may kumare ako eh, ang ganda niya at mabait :) tagal na nila ng boyfriend nya, two years mahigit na ata, oo, pwede nyong sabihing di pa ganun katagal yun pero para sakin matatag na yun. huling usap namin balita ko sobrang saya nila, kahit mas bata si boy ah. sa ibang school kasi nagaaral yun si boy, magkaiba sila ni mare. AYAN ANG EXAMPLE KONG MALAYO PERO MAGKASUNDO :)
then the next year gumraduate na si boy at nag aral sa same school ni mare, OH DIBA MAS MASAYA! dapat... dapat mas masaya... eh hindi daw eh, nagkalabuan... mejo malamig na..
mare: sis, alam mo ba may classmate ako eh, maganda sya at sweet, inaalagaan nya ako....
yan na nga bang sinasab... eh! jan nagsisimula yang lesbie attraction eh, yung pag may naramdan kang kakaiba sa isang babae pag malayo at malamig yung boyfriend mo.
mare: sa kanya ko naramdaman yung mga gusto kong maramdaman kay boy... feeling ko... gus...
gusto mo sya? oh! kitams. pero sabi ni mare ayaw niya namang breakan si boy, eh pano... naaawa daw siya, kasi ang loyal nun sabay ganun. eh si lesbie naman kasi, kung makalambing WAGAS! ayan! nainlove tuloy si mare, si boy kasi... malamig.
-------------------------------------------------------
dali lang nyan mare, kayang kaya nating lutasin yan...
well first, mas matagal mo nang kilala si boy, kaysa kay lesbie...
mare wag kang padalos dalos, pwede mong masabing mahal mo si lesbie ngayon pero pag kinatagalan, pag nakuha mo na lahat ng pagmamahal na hinahanap mo, masasabi mo rin sa sarili mo na mas masaya ka pala kay boy dati.
oo sabihin nating, si lesbie lang lagi yung andyaan pag kailangan mo ng naguumapaw na love and care ni boy, sabihin nating, siya lagi yung nagpapangiti at kumukumpleto sa araw mo, pero masasabi mo nabang mahal na mahal mo na si lesbie? DI KA BA NAGDUDUDA NA BAKA INFATUATION LANG YAN? yung akala mo mahal mo na, sa kinatagalan hindi naman pala, bibigyan kitang three months mare, pag satingin mong mahal mo parin si lesbie. yun! go get her... PERO HINDI EH, HINDI PWEDE, ikaw na mismo nagsabi sakin na ayaw mo iwanan si boy...
sa totoo lang naman mare, kaya mo ayaw iwanan si boy eh hindi dahil sa naaawa ka sa kanya, wag ka magbulagbulagan sa katotohanang kaya ayaw mo siya iwanan kasi MAHAL NA MAHAL MO SIYA AT DI MO KAYANG ITAPON ANG PINAGSAMAHAN NIYONG DALAWA.
mare: hindi, naaawa lang talaga ako. pag magkasama kasi kami ni boy, parang... wala na talaga eh... hindi na ko interesado.
mahal mo yan! mahal na mahal mo yan! yan ang totoo, kase kung hindi mo yan mahal hinayaan mo nang ligawan ka ni lesbie! may pagkakataon ka na eh diba? andiyan na eh. pero hindi, nag dalawang isip ka pa, INISIP MO PA KUNG TALAGANG IIWANAN MO NA SI BOY, NA HINDI MO NAMAN MAGAWA DIBA? kase nga mahal mo sya.
alam mo mare kulang lang kayo sa dates eh, kulang lang kayo sa gala, sa lambingan at lalo na sa USAP... uulitin ko, USAP. malaki role ng paguusap sa relationship mare, lalo na kung nagkakalamigan na kayo. kasi kung nagkaka-ilangan na nga at lalo pa kayong lumayo, mas walang mangyayari sa inyo. PAG-USAPAN NIYO YAN, kung mayhinahanap ka sa boyfriend mo na hindi mo maramdaman sa kanya, LIWANAGIN MO, ISA ISAHIN MO, at ng magkaintindihan kayo, alam mo mare... WALA NAMANG TAONG MANHID EH, HINDI MO LANG NILILIWANAG KUNG ANONG DAPAT MANG YARI SA INYO. kaya kung ako sayo, masinsinang usap ang solusyon diyan.
at tska isa pa, kung gagala man kayo para magkaayos at magusap, itatatak mo naman sa isip mo na interesado ka at gusto mong maayos to, kung gusto mo nga, kase, kung si boy lang ang laging nageefort, magiging one sided pa yung relasyon at ikaw ang may kasalanan, at this time. wala kang karapatang magreklamo dahil hindi ka naman nageffort.
GETS.
sundin mo ang puso mo, sabihin lang nating si lesbie ang nasa isip mo pero si boy ang nasa puso mo. WAG NA WAG MONG IIWASAN TONG PROBLEMANG TO. mare, hangga't ayaw mong iwanan si boy. ANDIYAN PA YUNG PAGMAMAHAL NA DAPAT NIYONG AYUSIN.