Wednesday, June 20, 2012

WAG KA MASYADONG JUDGEMENTAL, HINDI KA RIN NAMAN PERPEKTO


simula ng iluwal ka ng ina mo sa mundong ibabaw, nandiyan na ang mga taong aalalay, gagabay, at susuporta sa iyo bilang kamag anak at kaibigan. KAIBIGANG nariyan sa iyong pag iyak, pag bagsak, tagumpay at hirap, kaibigang nakikinig at nakakasama mo sa tuwa at lungkot, K-A-I-B-I-G-A-N.

ANG SARAP MAGKAROON NG KAIBIGAN NO? ang sarap magkaroon ng kasama, okay lang na walang boyfriend, ang mahalaga ang may kaibigan. yung makakasama mo tuwing break sa school, at kachikahan mo pag wala ang prof... kaibigang TUNAY. nagkalat na kasi ang mga PEKENG kaibigan, MGA PLASTIK, MANG GAGAMIT, WALANG KONSENSYANG INILULUBOG KA SA KAHIHIYAN ng wala kang kaalam alam, trending na ngayon yan, hindi lamang sa net kung hindi sa kahit saan, mapakapitbahay man yan, work o school, minsan nga nakapackage pa yan e, lalapit sayo kakaibiganin ka ng isang grupo, nagbabaitbaitan, nakikipagtulungan, pero pag katalikod mo, daig pa nila ang isdang PAGKALANSA LANSA sa wet market. lahat ng panglalait, at mapapagkatuwaan sayo sinabi na, ANG BABAHO NG MGA UGALI, animo'y may pakpak at mala anghel nung una, pag pikit mo naman nagliliyab ang matatalas na dila kadadakdak at kakalait sa iyo. kung hindi lang busy si santanas malamang hinila na niya isa isa ang mga paa nitong mga dalaga at binatang SARADO ANG MGA UTAK, MAPANGHUSGA, AKALA MO PERPEKTO SA LAHAT NG BAGAY.

------------------------------------------------------------------------------

mapababae, mapalalaki, matanda o bata, wala nang pinipili ang sakit na KAPLASTIKAN, nariyan para manira ng buhay, nariyan para manggulo ng bagay bagay, ang masaklap pa roon may malaking grupo ang nagkakasundo sa paninira at panglalait ng isang taong hindi naman pinapakielaman ang buhay nila't nananahimik na lamang, hindi ko lubos maisip, kung paano nila nakukuhang GAGUHIN ka sa lahat ng ginawa mo para sa kanila, hindi ko lubos maisip kung paano sila nagkaroon ng lakas ng loob para sirain ka. MGA WALANG KONSENSYA! minahal mo sila na parang kapatid, tinulungan at pinasaya tapos sa bandang dulo, KALAIT LAIT ka lamang sa kanila.


BACKSTABBER! BACKSTABBAN! laganap sa mga mga plastik na kaibigan, sa harap mo puro maganda ang sinasabi, sa likod mo puro kasiraan, sasabihan mo ng MAGANDA SIYA. pag kaalis, mula ulo hanggang PAA nilait lait mo na...

"MUKHANG POKPOK HINDI NA AKO MAGUGULAT NA MABUBUNTIS YAN E! SANA MABUNTIS NGA YAN"

ang kapal ng mukha hindi na nahiya, dapat sayo pasabugin ang mukha ika nga ng mga bata sa kalsada, o kaya naman nawa'y SAMPALIN KA NG KARMA, para matauhan ka sa kagaguhang ginagawa mo, hindi mo man naisip na minahal ka ng KAIBIGAN mo dahil sa PAGKAKAALAM niya minahal mo siya kung ano siya, SA PAGKAKAALAM NIYANG MAAASAHAN KA NIYA. ayun! akala lang pala yon, DAHIL UBOD KA NG PLASTIK! MANG GAGAMIT! gusto mo lang siya magging kagrupo para siya gumawa ng proyekto niyo, magbabait baitan ka, ABOT LANGIT NAMAN ANG SUNGAY MO.

e ano ngayon kung gumigimik siya at nainom?? PINAPAKIELAMAN KA BA NIYA kung bakit wala kang BRA sa bahay?? hindi mo na kailangan halungkatin ang mga pangangailangan niya PERSONALLY, malay mo ang pag gimik gimik niya ang nakakarelieve ng stress niya, bakit hindi mo kayang isang tabi ang bagay bagay at lahat kailangan mong gawing big deal, PAG SIYA GUMAWA MALAKING KASALANAN, pag ikaw ang gumawa wala lang, TANGA KA BA?? kung si lord nga pantay pantay lang tinggin sa atin, ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO manghusga ng tao.

JUDGE JUDGE JUDGE, puro ka JUDGE! porket makapal ang make up PROSTI NA?? bakit? ang make up ba ang kumocontrol ng kabaitan ng isang tao? oo makapal make up niya at nakakatawa siya manamit, pero kilala mo nga ba siyang tunay?? YAN ANG HIRAP SA TAO E! NAPAKA JUDGEMENTAL! hindi muna kilalanin yung tao ng lubos, ni hindi mo nga nakakasama 24/7 yon, tatawagin mo na agad na pokpok?? WOW. taas ng leveling mo teh. ano ngayon kung makapal siya mag make up? at least maaasahang kaibigan siya, shoulder to lean on, to cry on, magaling mag advice, hindi katulad mo PLASTIK!!

o baka naman insecure ka lang, INSECURE KA AT NAGMAMATAAS, akala mo MAGALING ka sa lahat, ginagawa mo siyang katatawanan para mag mukha kang WISE, akala mo lang yon! wala kang nadudulot na maganda, SALOT KA SA LIPUNAN! yang gawain na yan? gawain yan ng mga taong nasaibaba ang level ng IQ, hinihila yung mga nasa taas, ipinapahiya, sinisiraan, PARA MAG MUKHA SILANG MAGALING.

try mo naman maging open minded sometimes, ano ngayon kung hindi na siya VIRGIN at madaldal siya?? it doesn't mean na MASAMA ANG UGALI NIYA AT IPAGKAKALAT MO NA, anong pake mo sa kalibugang meron siya? ANG NAKAKAINIS YUNG MGA TAONG AYAW MAGPAKATOTOO, NAGMAMAANG MAANGAN, NAGMAMAGALING. so what kung usapan niyo SEX? AT LEAST OPEN MINDED KAYO! na katatawanan lang yon at wala ng iba. MAKIKITID KASI ANG MGA UTAK NG TAONG JUDGEMENTAL, kung makareact kala mo kung sinong santong bumaba sa kalangitan..

PARA SA MGA NATATAPAKAN, NAHUHUSGAHAN, SINASAKTAN NG LUBOS, tandaan niyo, MAKIKITID ANG UTAK NG JUDGEMENTAL, pasok sa kanan, labas sa kaliwang tenga nalang ang gawin niyo, dahil HINDI SILA WORTH IT, wala silang kwenta, wag niyong hayaang masira ang buhay mo ng dahil sa kanila, hindi ka nabuhay para paglingkuran sila, kung hindi ka nila tanggap, IWANAN mo, LIVE, LAUGH AND LOVE THE REAL FRIENDS THAT ARE THERE, at kalimutan ang mga taong wala namang naiidudulot sayo ng maganda, hayaan niyo, SASAMPALIN DIN SILA NG MASAMANG KARMA.

Friday, June 8, 2012

LIBRE LANG MANGARAP, SOBRANG SAKIT NGA LANG


alam mo yung pakiramdam na kapag nakikita mo si crush ang saya saya ng pakiramdam mo? kahit picture lang sa FB, yung tipong ginawa mo pang wallpaper mo sa laptop mo, sa cellphone mo, tapos magpiprint ka pa ng picture niya tapos isisingit mo sa ID holder mo, tapos kapag tinanong ka kung sino yung nasa picture sasabihin mo boyfriend mo, sabay pahapyaw na "joke lang" para hind ka naman masyado mag mukhang feelingera. kunyari araw araw mo siyang kasama, halos mapuno na yung likod ng notebook mo kakasulat ng pangalan niya. hindi makukumpleto ang araw mo hangga't hindi ka updated sa status niya sa FB, o kaya sa twitter, siguro kung totoo lang yung kasabihan ng mga matatanda, namatay na yun sa kakakagat niya sa dila niya kasi may nakakaalala sa kanya.

ikaw na! ikaw na ang number 1 fan niya, hindi ka naman niya kilala pero lahat ng hlig niya alam mo, lahat ng ayaw niya alam mo, lahat ng info niya alam mo, halos nagmukha ka nang kidnapper sa pinag gagagawa mo, pero go ka pa rin ng go dahil nagabakasakali ka na magkrus ang landas niyong dalawa kahit alam mong malayo... MALABO.

______________________________________________________________

ang sakit isiping hanggang pangarap mo lang si crush, na kahit magpakadesperada ka, kahit ikaw pa ang manligaw, hinding hindi siya mapapasa iyo. buong araw siya lang ang nasaisip mo, daig mo pa ang girlfriend. pasoundtrip soundtrip, nagiimagine na magkausap kayo, MTV ang peg, mukang tanga kinikilig sa kama panay ang halik sa picture ni crush sa CP.

haaay, bakit ganon no? bakit sa lahat ng lalaking pinangarap mo, nakita mo nga ang swak sa qualifications mo, hindi pa pwede mapa sa iyo, ANG HIRAP! ang hirap mangarap. maiinis ka sa kanya ng walang dahilan, bakit? KASI NGA HANGANG PANGARAP LANG SIYA AT SOBRANG TINAMAAN KA, SOBRANG MINAHAL MO SIYA KAHIT ALAM MONG HINDI KA NAMAN NIYA KILALA. nag dadrama ka lang teh, hindi mo mahal yan! IDOL mo lang, pano mo mamahalin ang taong hindi mo naman talaga nakilala ng totoo, malay mo puro kasinungalingan lang pala yung nasa info niya at ibang iba siya sa personal, wag kang padalos dalos. INFATUATION lang yan, akala mo lang mahal mo siya pero sa totoo CRUSH MO lang talaga, makakalimutan at makakalimutan mo rin yan, magsasawa ka sa kakahabol sa wala. face the fact, IDOL mo lang yan.

ang tunay na masakit yung kausap, kabiruan mo dati si crush, tapos bigla na lang nawala dahil may girlfriend na pala, NANDUN NA E! may posibilidad na maging kayo, nawala pa, nakakaiyak isiping nawala na lang siya ng bigla na kahit ilang mura at MASASAKIT na salita pa ang itext mo sa number niya hindi ka nirereplyan, hindi ka naalala, hindi mo alam kung napaglaruan ka lang ba, o ginawang panakip butas...

naalala mo pa dati na inaabot kayo ng madaling araw sa pagkukulitan sa telepono, halos lahat ng topic na pwedeng itopic napagkwentuhan niyo na, naalala mo yung time na ayaw niya ibaba yung telepono dahil gusto ka pa niya makausap, ANG SAKIT! isang araw wala na siya diyan, hindi ka na pinapansin, hindi ka na rin kinakausap, NAAALALA KA LANG KAPAG MAY KAILANGAN.

nakakainis talaga yung mga ganung tao, kung pwede mo lang sila sakalin, sasakalin mo talaga e no?? binigay mo na lahat lahat iniwan ka pa, pero kahit anong sakit yung binigay sayo nandiyan ka pa rin, naghihintay sa kahit blankong text niya, o isang segundong miss call, naghahabol sa lalaking lam mo namang hindi ka mamahalin pro nagbubulagbulagan ka na lang dahil gustong gusto mo siya...

hindi ka naman nagkulang, huwag mong sisihin ang sarili mo, pero wag mo na siyang habulin... HE'S NOT WORTH IT.