Friday, June 8, 2012

LIBRE LANG MANGARAP, SOBRANG SAKIT NGA LANG


alam mo yung pakiramdam na kapag nakikita mo si crush ang saya saya ng pakiramdam mo? kahit picture lang sa FB, yung tipong ginawa mo pang wallpaper mo sa laptop mo, sa cellphone mo, tapos magpiprint ka pa ng picture niya tapos isisingit mo sa ID holder mo, tapos kapag tinanong ka kung sino yung nasa picture sasabihin mo boyfriend mo, sabay pahapyaw na "joke lang" para hind ka naman masyado mag mukhang feelingera. kunyari araw araw mo siyang kasama, halos mapuno na yung likod ng notebook mo kakasulat ng pangalan niya. hindi makukumpleto ang araw mo hangga't hindi ka updated sa status niya sa FB, o kaya sa twitter, siguro kung totoo lang yung kasabihan ng mga matatanda, namatay na yun sa kakakagat niya sa dila niya kasi may nakakaalala sa kanya.

ikaw na! ikaw na ang number 1 fan niya, hindi ka naman niya kilala pero lahat ng hlig niya alam mo, lahat ng ayaw niya alam mo, lahat ng info niya alam mo, halos nagmukha ka nang kidnapper sa pinag gagagawa mo, pero go ka pa rin ng go dahil nagabakasakali ka na magkrus ang landas niyong dalawa kahit alam mong malayo... MALABO.

______________________________________________________________

ang sakit isiping hanggang pangarap mo lang si crush, na kahit magpakadesperada ka, kahit ikaw pa ang manligaw, hinding hindi siya mapapasa iyo. buong araw siya lang ang nasaisip mo, daig mo pa ang girlfriend. pasoundtrip soundtrip, nagiimagine na magkausap kayo, MTV ang peg, mukang tanga kinikilig sa kama panay ang halik sa picture ni crush sa CP.

haaay, bakit ganon no? bakit sa lahat ng lalaking pinangarap mo, nakita mo nga ang swak sa qualifications mo, hindi pa pwede mapa sa iyo, ANG HIRAP! ang hirap mangarap. maiinis ka sa kanya ng walang dahilan, bakit? KASI NGA HANGANG PANGARAP LANG SIYA AT SOBRANG TINAMAAN KA, SOBRANG MINAHAL MO SIYA KAHIT ALAM MONG HINDI KA NAMAN NIYA KILALA. nag dadrama ka lang teh, hindi mo mahal yan! IDOL mo lang, pano mo mamahalin ang taong hindi mo naman talaga nakilala ng totoo, malay mo puro kasinungalingan lang pala yung nasa info niya at ibang iba siya sa personal, wag kang padalos dalos. INFATUATION lang yan, akala mo lang mahal mo siya pero sa totoo CRUSH MO lang talaga, makakalimutan at makakalimutan mo rin yan, magsasawa ka sa kakahabol sa wala. face the fact, IDOL mo lang yan.

ang tunay na masakit yung kausap, kabiruan mo dati si crush, tapos bigla na lang nawala dahil may girlfriend na pala, NANDUN NA E! may posibilidad na maging kayo, nawala pa, nakakaiyak isiping nawala na lang siya ng bigla na kahit ilang mura at MASASAKIT na salita pa ang itext mo sa number niya hindi ka nirereplyan, hindi ka naalala, hindi mo alam kung napaglaruan ka lang ba, o ginawang panakip butas...

naalala mo pa dati na inaabot kayo ng madaling araw sa pagkukulitan sa telepono, halos lahat ng topic na pwedeng itopic napagkwentuhan niyo na, naalala mo yung time na ayaw niya ibaba yung telepono dahil gusto ka pa niya makausap, ANG SAKIT! isang araw wala na siya diyan, hindi ka na pinapansin, hindi ka na rin kinakausap, NAAALALA KA LANG KAPAG MAY KAILANGAN.

nakakainis talaga yung mga ganung tao, kung pwede mo lang sila sakalin, sasakalin mo talaga e no?? binigay mo na lahat lahat iniwan ka pa, pero kahit anong sakit yung binigay sayo nandiyan ka pa rin, naghihintay sa kahit blankong text niya, o isang segundong miss call, naghahabol sa lalaking lam mo namang hindi ka mamahalin pro nagbubulagbulagan ka na lang dahil gustong gusto mo siya...

hindi ka naman nagkulang, huwag mong sisihin ang sarili mo, pero wag mo na siyang habulin... HE'S NOT WORTH IT.


No comments:

Post a Comment