bagong blog! in TagLish! haha LOL walang makausap, tuliro, tulala, may tanong ka? PSST! PARE TANONG MO SAKIN, AKO SASAGOT! :)) ISANG NAPAKALALANG BLOG tunkol sa buhay college, highschool, trabaho, bahay, pag-ibig o sarili, sabi nga sa TEAM MANILA, ANG BUHAY AY PARANG NOBELA. tara isulat natin.
Tuesday, May 29, 2012
ANG SAYA MAGING SINGLE! (PERO DEEP INSIDE I'M CRYING)
minsan talaga magkakaron tayo ng bestfriend na lalaki, yung sobrang close ninyo sa isa't isa parang ang sarap na niya maging boyfriend? halos lahat alam mo sa kanya, mapa favorite song, favorite food, favorite color, kulang nalang bumili ka ng slambook tapos sasagutan mo lahat, ipapasuyo mo nalang yung dedication. yung mga ganon.
higit sa lahat hindi lilipas ang isang araw na hindi mo tinitignan ang mga pictures niya sa facebook, kahit paulit-ulit, kahit alam mong natignan mo na yung album kanina, titignan mo pa rin; tapos ma papatanong ka sa sarili mo na...
"bakit ba hindi pa naging kami??"
oo nga no? bakit hindi mo nalang syotain yang bespren mo? isa lang naman sa got diyan e, kapatid lang kasi ang turing niya sayo, BOOM! saklap niyan! sagad to the bones, tagustagusan parang regla!
_________________________________________________________
ang saya saya kapag may taong nandiyan at naglalambing sayo, nagaalala, nagtatangol, pero ang sakit sa bangs na malaman na hindi ka niya bet! kahit ilang monay pa ang isiksik mo diyan sa bra mo para lumaki ang suso mo, HINDI KA TALAGA NIYA BET, kahit na magkakakawag ka pa sa dagat at lunudlunuran ang peg mo, tanggapin mo ang katotohanang HINDI KA TALAGA NIYA BET.
sa panahon ngayon, maraming kababaihan talaga ang nasasaktan, naghahabol, nagpaprinig na "single ako, ang saya lang", pinangangalandakang single sila, pero DEEP INSIDE nagbabakasakaling may manligaw sa kanila. yung tipong nagkukunyariang masaya siya na single siya pero hindi rin niya matago kakapost ng mga quotes tunkol sa broken heart, minsan nalang maiimagine mong kakapost nila ng ganun umiiyak yan maya't maya e.
"single and very happy"
tapos mamaya mag popost yan ng...
"ang sakit talaga, akala ko mahal niya ko, hindi pala"
HAPPY? HAPPY?? yan na pala ang bagong definition ng happy ngayon, PUTANG INA! kalokohan. wag na kasing maghabol sa lalaking KAIBIGAN LANG ANG TURING SA IYO, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. kung ako sa iyo, gumising ka sa realidad, kaysa sa papost post ka sa facebook na sinusumpa mo ang mga lalaki sa mundo, dahil una sa lahat hindi naman lahat ng lalake mangloloko, ikaw ang may problema, alam mo na ngang niloko ka hinahabol mo pa rin.
wala kang mapapala kakapost ng hinanakit mo sa facebook nagbabakasakaling tamaan si CRUSH, hindi naman kasi tatamaan yan, HINDI KA NAMAN KASI MINAHAL NIYAN. tapos kapag nalaman mong may girlfriend na pala yang si crush, i lalike mo yung pictures nila ng girlfriend niya kahit banas na banas ka na dun sa pagmumuka nung babaeng yun, i-aad mo pa yung girlfriend niya, tapos magagalit ka, ipagkakalat mo na snob yun dahil HINDI nagpost sa wall mo ng...
"thanks for the add :D"
tapos titignan mo yung pictures nung babae, lalaitin mo mula ulo hangang paa
"tang ina ang landi naman neto feeling model"
e ano ngayon kung pa pose pose siya sa mga pictures niya?? walang basagan ng trip! ikaw ba hindi mo napagdaan yang pipicturan kang nagmomodel-modelan ka, o ano ngayon kung inadd mo? anong gusto mo ilike lahat ng mga post mo pati yang mga pictures mo para hindi mo siya tawaging snob?? OKAY KA LANG?? nag hahanap ka lang ng away, at ipinapasa mo ang galit mo sa inosenteng taong inaccept na nga yang friend request mo, inaway mo pa.
MAIN POINT, wag na maghabol, at wag kang magpaka EMO, laslas ka na jan sa isang tabi dahil nagkaron ng girlfriend yang crush mo, dati feeling inlove ka nung single siya, ngayong may girlfriend na siya, panay pagmamalaki mong MASARAP MAGING SINGLE, para matakpan lang yang hinanakit mong nagpapakadesperada ka nang magkaboyfriend.
IHA! hindi minamadali yan, LOOK AROUND YOU, maraming bagay ang maaring makapagpasaya sa iyo, kung ako sa'yo imulat mo yang mga mata mo at alisin mo yang isip mo sa pagboboyfriend, yan lang naman ang hirap sa tao, panay reklamo walang gawa, puro asa hindi maghanap ng paraan. WAG MONG DAANIN SA DESPERATION ANG BAGAY BAGAY, matuto kang mag MOVE ON..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment