bagong blog! in TagLish! haha LOL walang makausap, tuliro, tulala, may tanong ka? PSST! PARE TANONG MO SAKIN, AKO SASAGOT! :)) ISANG NAPAKALALANG BLOG tunkol sa buhay college, highschool, trabaho, bahay, pag-ibig o sarili, sabi nga sa TEAM MANILA, ANG BUHAY AY PARANG NOBELA. tara isulat natin.
Monday, September 3, 2012
BREAK UPS, BREAK DOWNS
alam ko naman na ang karugtong ng break up ay break downs.. bakit?? E MASAKIT E! NAKAKAIYAK! sinayang mo yung ilang buwan ng buhay mo kasama yung lalaking ginagago ka lang pala, or... yung lalaking minahal mo ng lubos, hindi pala gusto ang lahat ng ginawa mo para sa kanya.
masakit sa una, MAY UPS AND DOWNS NAMAN ANG PAKIKIPAGBREAK E, sabihi na natin mahirap pero jan ka makakabenefit, alam mo na? it's a new life, TRY TO LIVE IT.
------------------------------------------------------------------------------------------
may mga panahon talaga na umiikot ang mundo mo sa iisang tao, yung taong iniisip mong mamahalin ka habang buhay, syempre masarap naman marinig na..
JUAN: maria, i wanna grow old with you...
oh my gad, kilig to the spinal cord! tapos pa date date diyan, picture picture ng nakakiss, lambingan na maharot to the max! ANG SAYA! parang PBB TEENS LAAANG! ang masaklap lang doon, minsan rin talaga hanggang una lang yan, bago kasi kaya sweet, pinapakain ka sa majuray na resto, bibigyan ka ng gift... una extravagant pa yan e, hanggang sa donut nalang yung mga iibibigay sayo, donut na nga lang makukuha mo yung may kagat pa, tapos yung panget yung lasa. HANG SHWET! nakakainis, bakit ba kasi hindi nalang pwede maging consistent na kung gaano siya kalambing at karomantic nung nakilala mo siya ay ganoon rin siya hanggang dulo. kaso hindi talaga e, hindi talaga niya kaya, ang hirap hirap kayang ikaw yung consistent tapos siya onti onting nagbabago na, NAKAKASAWA RIN. inuuto ka lang pala niya, pinapakita niya lahat ng meron siya, ipagmamalaki niya lahat ng kaya niya, tapos bandang dulo echapwera ka nalang sa isang tabi, pagkatapos kang pasabikin, BITIN SA BANGIN ang abot mo
AT DIYAN PUMAPASOK ANG SALITANG BREAK UP. "break na tayo, hindi mo naman kasalanan, hindi lang talaga nagwork ang relationship natin" napakacliche na mga salitaan, TANG INA! aminin niyo nalang kasi, mahirap maging indenial! isa talaga sa inyo ang may kaslanan kung bakit HINDI NAG WORK ANG RELASYON! wag na kayong bumira ng pamapalubag loob, na...
JUAN: mahal pa rin kita... pero hanggang kaibigan na lang tayo.
SHET! bigatin si kuya! kung mahal mo pa bakit hindi nalang kasi ipagpatuloy ang relasyon diba? bakit kailangan pa maging friends? ano to optional si ate? wag na uyy! wag ka na magbigay ng pampalubag loob lines para hindi siya masaktan dahil lalo kang makakasakit sa kadahilanang NAG SINUNGALING KA. mahirap ba? mahirap bang sabihing "hindi na kasi kita mahal" sa isang break up? sabihin na nating oo mahirap nga pero naroon na kayo sa point na maghihiwalay na rin naman kayo e, nagkakasakitan na. SABIHIN MO NA ANG TOTOO WAG MO NANG PAGTAKPAN PA dahil kahit anong sabihin mo ma mga tao talagang aasa at aasa pa rin para magbalikan kayo.
YUN ANG MAHIRAP! kaya ka bumabanat ng pampalubag loob lines ay para hind ka magmukang masama di ba? GUSTO MO KASI LAGI MALINIS ANG PANGALAN MO, na kapag nachika ka ni girl sa mga kaibigan niya ay hindi ka nagmukang masama. iho.. tanggapin ang pagkakamali, at patunayan mong kaya mong magbago, o baguhin lahat ng pagkakamali mo, mahirap maghugas kamay.
pero mas mahirap magbaliktad ng storya, yung tipong ikaw yung nanloko tapos sakitsakitan moments ka sa facebook, MUNGAGO lang talaga, naghahanap ng taong makikisimpatya sa kagaguhan mo, para mag mukang ikaw yung kawawa, pero sa totoo ikaw ang nangkawawa.
alam mo yung istorya ng mga taong nakikipagbalikan? sila yung mga nais ayusin ang maduming kalat na pinagiwanan nila, TARAY! JANITOR LANG ANG PEG! pero seryoso talaga... sila nga yung mga taong hindi makahanap ng iba kasi mahal pa rin nila yung isa't isa, pero meron din naman pagkabalikan nila, doon na nila mapapagtanto na hindi pala sila para sa isa't isa, doon nila makikita lahat ng mali.. LAHAT NG PAGKUKULANG. at iyan ang ups ng isang break ups, masakit na inulit mo lahat ng katangahan mo for the second time, pero at least na realize mo na hindi mo na kailangang magtagal sa lalaking nanloko sayo, dahil alam mong hindi ikaw ang nagkamali, YOU DO NOT DESERVE THE GUY WHO TOOK YOU FOR GRANTED.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment