Monday, September 3, 2012

LIGAW? O LUGAW?


sabi ng nanay ko pahirapan talaga ang ligawan noon, grabe kamo! yung tipong pinagsisibak ka ng kahoy, pinagiigib ka ng tubig, pinagluluto, saing, lahat na! jusko, kulang nalang sabihin mo doon sa nanay ng babae..


JUAN: MGA LECHE KAYO! NAGPAKILALA AKO PARA MALAMAN NIYO KUNG GAANO KO KAMAHAL ANAK NIYO, HINDI AKO NAGPAKILALA PARA MAG MAGPASA NG RESUME AT MAGAUDITION BILANG KATULONG!!


GRABETI! pero syempre sa sobrang pag mamahal hindi nila ginagawa yon... ang sweet laaang! ayieee. alam mo yung sobra sakripisyo niya para bang tumawid sila sa kabundukan at nag swiming sa malalim na dagat para lang makarating sa PUSO MO. prince charming? YES ATE! prince charming nga dahil nagkasubukan kung sino nga ang tunay na nag mamahal o sino ang nais lamang tanggalin yang panty mo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

kahapon napaisip ako, sa panahon ngayon nagmamadali tayo no? iniisip natin na kailangan natin ng boyfriend o girlfriend, yung tipong dinaan ka lang sa chat, kayo na agad kinabukasan? dinaan ka lang sa text, ikaw ay nakasex, mga ganung bagay, nakakapagtaka no? hindi naman kasi necessity ang relasyon, nandiyan naman si kaibigan, magulang at best answer si lord, pero hinahanap hanap pa rin ang kakaibang pag mamahal.

alam mo yung palabas sa channel 2? sa ABS-CBN? yung angelito: ang batang ama? hindi naman ko nanunuod yun pero yung asawa ko oo, meron kasing scene doon na yung magkaibigan nagtanungan sila ng..


MARIA: nililigawan mo ba ako?

JUAN: ha? hindi naman ligaw yung ginagawa ko sa ating dalawa, pero kung yun yung itatawag mo sa ginagawa ko para sayo, ok lang naman sakin.

MARIA: oo! sinasagot na kita! tayo na!


PUTANG INANG YAAAN! ANG LAYO NG SAGOT! di mo malaman kung anong irereact mo e, pero oo, totoong nangyayari talaga yon, yung tipong sasagutin na yung lalaki ng walang ligaw ligaw, pero teka, hindi ba masakit yun? masakit in a way na hindi mo naman siya kilala pero pinahawak mo na sa kanya ang puso mo? kumbaga pinahawak mo sa katabi mo sa jeep yung wallet mo kahit hindi mo siya kilala.

syempre dadating sa point na malilito ka sa ugali niya diba? malilito ka sa iniisip niya, marami kang expectations na hindi pala niya kayang gawin, in short DISAPPOINTMENT ang makukuha mo, kasi hindi mo man lang naisip na kilalanin muna siya, timbangin kung anong meron, at pag isipan kung tatagal, o mamahalin mo nga siya.

dati madaling madali yung asawa ko na sagutin ko siya, kasi ayaw niyang mawala ako sa kanya, pero sabi ko sa kanya na, hindi namin kailangang magmadali kasi mahal namin ang isa't isa, kung mahal namin ang isa't isa walang bibitaw sa aming dalawa, dadating rin kami sa puntong makukuha niya ang malupit kong oo, OH! ANG TARAY DIBA! ANG HABA NG HAIR KO! at dahil doon pumayag siya sa ligawan portion, hindi ako nagsisi kasi doon ko siya nakilala ng lubos, at doon ko naramdaman kung gaano niya ko kamahal, sinusundo niya ko sa work kahit sobrang dami niyang gagawin, hindi lilipas ang araw na hindi kami sabay mag breakfast, naiintindihan ko kung anong mga nararamdaman niya, mga ayaw at gusto niya, at nabigyan ako ng pagkakataong bumawi sa kaniya kahit sa maliliit na bagay o gawain.


matagal tagal rin yung hindi ko siya sinasagot, live in na kami, hindi ko pa rin siya sinasagot, kahit ako na ang nagluluto, naghuhugas ng plato o naglilinis ng bahay, wala akong naramdaman na pagod o inis, hindi pa ako pagod ayaw niya na ko pagalawin sa bahay, at siya naman daw ang magaayos ng kalat. hanggang sa namulat yung mata ko ng narinig ko silang naguusap ng tita niya.


TITA: alam ko namang babaero ka, pero sana naman siya na lang ang huling babaeng dadalhin mo dito sa bahay, gusto ko siya, marunong sa gawaing bahay, may kusa, kaso may saltik, minsan nakikita ko yang sumasayaw habang nagluluto, hahaha! pero gusto ko siya, dalawin mo ko, either ikaw lang magisa o kaya siya lang ang babeng isasama mo para makita ko. alam kong it's complicated ang status niyong dalawa, pero sana naman maging in a relationship na.


ang sarap marinig na gusto ako ng pamilya niya, ang saya!wala akong pake na babaero siya noon, noon iyon! ANG IMPORTANTE KUNG ANO SIYA NGAYON, doon ko napagtanto na once na nakilala niyo na ng isa't isa, hindi na kailangan pahabain ang ligawan, panahon na para makamit ang sagot na "OO" kaysa naman sa pagkahaba haba ng ligawan niyo, ilang taon na hindi mo pa siya sinasagot, ayan, nakahanap tuloy siya ng iba, at wala kang magagawa dahil naliligaw pa lang naman siya AT HINDI NAMAN KAYO. lungkot ka ngayon, emo habang umuulan... lugaw na lang ang makakasama mo sa tagulan..

No comments:

Post a Comment