bagong blog! in TagLish! haha LOL walang makausap, tuliro, tulala, may tanong ka? PSST! PARE TANONG MO SAKIN, AKO SASAGOT! :)) ISANG NAPAKALALANG BLOG tunkol sa buhay college, highschool, trabaho, bahay, pag-ibig o sarili, sabi nga sa TEAM MANILA, ANG BUHAY AY PARANG NOBELA. tara isulat natin.
Monday, September 3, 2012
KULANG NA KULANG BA? HINDI PA BA SAPAT?
AYAAAN! NANAMAN TAYO mga repapeeps! at napablog na naman ako sa tagal ng panahong nakatenga ang blog kong ito dahil sa subsob sa trabaho ang LOLA mo! sino ang matapat kong repapeeps? how are you all? i'm fine thank you! tanong ko sagot ko ganoooon? haha :)
today is the day, napag tanto kong wala siyang kailangang patunayan, dahil WALA NAMAN TALAGA SIYANG BALAK NA MAY MAPATUNAYAN, alam mo yon? ginagawa mo lahat para tumagal naman ang relasyon niyo pero ramdam mo sa kanya na halos ikaw ang pangalawa sa huli, sa dinami dami ng priority niya sa buhay. PUTANG INA LASLAS! mag laslas ka nalang sa sakit na binigay niya sayo, sana sinabi niya nalang ng harap harapan sa pagmumuka mo na PAAASAHIN KA LANG TALAGA NIYA, para naman kahit papano ay handa ka sa mang yayari.
----------------------------------------------------------------------------------------
TIBAY TALAGA NG IBANG MGA LALAKI NGAYON, ikaw na nga yung pinaasa, pinaghintay, at sinaktan, sila pa ang may gana MANG-LOKO! abay, hanep talaga! hanep na hanep. di ko talaga mawari kung bakit ako naniwala sa lahat ng promise niya noong kami pa, dati gustong gusto kong marinig sa kanyang..
JUAN: ikaw lang ang mahal ko maria, wala nang iba, wala akong balak na lokohin ka.
aba! ako naman tong si gaga, kung kiligin WAGAS! makapaniwala naman ako kala mo guguho na ang mundo at no choice na talaga kungdi maniwala, GRABE TEH! ng makita ko sa dalawang mata ko, na ang dami daming babae pala ang inaakit niya, shet naman kala mo pogi ang lakas ng loob, MAGALING LANG TALAGA MANG-UTO. diyos ko, muntik na ko atakihin sa puso, ang kapal talaga ng muka pinost pa sa FACEBOOK, ahh tang ina gera na to! gera gerahan ang peg ng ate mo, AHHH UMMM! tapos sasabihan ka ulit ng..
JUAN: ikaw lang talaga maria.. wala ng maiba... close lang talaga ako sa girls.
AY KILIG NANAMAN AKO! kahit narerealize kong katangahan na ang ginagawa ko, bulag sa lahat ng panloloko, naririnig ko lang lahat ng gusto kong marinig.. ANG SAKIT... ANG SAKIT SAKIT! kung gano niya ko pinaikot sa palad niya,sasabihan niya na nagiisa lang ako sa buhay niya pero marami pala talaga kami. PUTANG INA ANG LALANDI NIYONG MGA BABAE KAYO! pero hindi lang naman ang mga babaeng kalandian niya ang dapat kong sisihin kung hindi siya rin, siya ang may pakana ng lahat. sabi nga nila, walang magpapalandi kung walang mang lalandi o vice versa.. tama nga naman bakit mo lalapitan ang isang taong hindi naman nagpapakita ng motibong nais ka niyang kilalanin pa.
once and for all ayoko nang umasa, umasa na pagkatapos ng ginagawa niya ay yayayain niya ako para lumabas at makipagdate sa kaniya, kasi baliktad lagi! alam mo yung ako yung nagyayaya tapos irereject niya kasi busy siya, naiintindihan ko naman na busy siya e, pero yung ULTIMO LAGI BUONG ARAW?? BENTE KWATRO ORAS SA ISANG LINGGO?? tang ina! sobra naman yata yan. makakatiis ba ko na sa text lang kita makakausap at hanggang skype lang tayo? ANO TO? LONG DISTANCE RELATIONSHIP?? kung bago tayo pumasok sa relationship sana sinabi mo na muna na yoon ang makukuha ko kung ikaw ang boyfriend ko, sana sinabi mo nalang sa akin na LONG DISTANCE pala ang papasukin ko, at puro ka paasa, puro ka KATALKSHITAN. alam mo yung feeling na sige 4 PM uuwi ako tapos magtetext ka ng 8 PM na hindi na pala tuloy yung lakad natin? talkshit na gago pa! hindi pa ba obvious na hindi tuloy? malamang di ba? TAPOS..
JUAN: maria sorry na, hindi ko naman sinasadya e... busy lang talaga ako.
BUSY NA KUNG BUSY! pero pinaasa mo ko, puro sorry nalang.. tapos ganoon rin pala ang mararanasan ko pagkatapos ng isang linggo paulit ulit lang, wag naman sanang lumakas ang loob mo na sabihin saakin na hndi ka nagkulang... DAHIL NAG KULANG KA.. ginawa ko lahat para sa iyo... para sa atin... pero nakakasawa na ako nalang dapat lagi ang gagalaw dahil busy ka sa mga gawain mo.. minsan talaga ramdam ko NA PANG HULI AKO SA PRIORITY MO, sana minsan naman maramdaman kong pang UNA ako sa listahan mo.
isa kang tao na may pusong bato. ang korni talaga nung kantang yung di ko alam kung bakit pero dapat lang yung sayo, kung gano ka kamanhid sa lahat ng ginagawa mo, kung gaano mo pinakita sa akin na torpe ka at hindi mo kaya mag mahal, kung paano mo pinakita saakin na MASYADO KANG BUSY PARA ASIKASUHIN ANG GIRLFRIEND MO PERO MAY MAS TIME KA PARA SA IANG TAO.
pero salamat, nagpapasalamat pa rin ako, na pinakita mo sa akin na may lalaking MAS HIHIGIT PA SAYO at kayang kayang lagpasan lahat ng binigay mo sakin. salamat ha! na dahil ginago mo ko ay nagpakita siya para alagaan ako, para mahalin ako, at para ibigay saakin ang mga PAGKUKULANG MO.
gising na ko sa katotohanang wala kang mapapatunayan at hindi ka karapat dapat sa isang babae.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment