Tuesday, May 29, 2012

ANG SAYA MAGING SINGLE! (PERO DEEP INSIDE I'M CRYING)


minsan talaga magkakaron tayo ng bestfriend na lalaki, yung sobrang close ninyo sa isa't isa parang ang sarap na niya maging boyfriend? halos lahat alam mo sa kanya, mapa favorite song, favorite food, favorite color, kulang nalang bumili ka ng slambook tapos sasagutan mo lahat, ipapasuyo mo nalang yung dedication. yung mga ganon.

higit sa lahat hindi lilipas ang isang araw na hindi mo tinitignan ang mga pictures niya sa facebook, kahit paulit-ulit, kahit alam mong natignan mo na yung album kanina, titignan mo pa rin; tapos ma papatanong ka sa sarili mo na...

"bakit ba hindi pa naging kami??"

oo nga no? bakit hindi mo nalang syotain yang bespren mo? isa lang naman sa got diyan e, kapatid lang kasi ang turing niya sayo, BOOM! saklap niyan! sagad to the bones, tagustagusan parang regla!

_________________________________________________________

ang saya saya kapag may taong nandiyan at naglalambing sayo, nagaalala, nagtatangol, pero ang sakit sa bangs na malaman na hindi ka niya bet! kahit ilang monay pa ang isiksik mo diyan sa bra mo para lumaki ang suso mo, HINDI KA TALAGA NIYA BET, kahit na magkakakawag ka pa sa dagat at lunudlunuran ang peg mo, tanggapin mo ang katotohanang HINDI KA TALAGA NIYA BET.

sa panahon ngayon, maraming kababaihan talaga ang nasasaktan, naghahabol, nagpaprinig na "single ako, ang saya lang", pinangangalandakang single sila, pero DEEP INSIDE nagbabakasakaling may manligaw sa kanila. yung tipong nagkukunyariang masaya siya na single siya pero hindi rin niya matago kakapost ng mga quotes tunkol sa broken heart, minsan nalang maiimagine mong kakapost nila ng ganun umiiyak yan maya't maya e.

"single and very happy"

tapos mamaya mag popost yan ng...

"ang sakit talaga, akala ko mahal niya ko, hindi pala"

HAPPY? HAPPY?? yan na pala ang bagong definition ng happy ngayon, PUTANG INA! kalokohan. wag na kasing maghabol sa lalaking KAIBIGAN LANG ANG TURING SA IYO, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. kung ako sa iyo, gumising ka sa realidad, kaysa sa papost post ka sa facebook na sinusumpa mo ang mga lalaki sa mundo, dahil una sa lahat hindi naman lahat ng lalake mangloloko, ikaw ang may problema,  alam mo na ngang niloko ka hinahabol mo pa rin.

wala kang mapapala kakapost ng hinanakit mo sa facebook nagbabakasakaling tamaan si CRUSH, hindi naman kasi tatamaan yan, HINDI KA NAMAN KASI MINAHAL NIYAN. tapos kapag nalaman mong may girlfriend na pala yang si crush, i lalike mo yung pictures nila ng girlfriend niya kahit banas na banas ka na dun sa pagmumuka nung babaeng yun, i-aad mo pa yung girlfriend niya, tapos magagalit ka, ipagkakalat mo na snob yun dahil HINDI nagpost sa wall  mo ng...

"thanks for the add :D"

tapos titignan mo yung pictures nung babae, lalaitin mo mula ulo hangang paa

"tang ina ang landi naman neto feeling model"

e ano ngayon kung pa pose pose siya sa mga pictures niya?? walang basagan ng trip! ikaw ba hindi mo napagdaan yang pipicturan kang nagmomodel-modelan ka, o ano ngayon kung inadd mo? anong gusto mo ilike lahat ng mga post mo pati yang mga pictures mo para hindi mo siya tawaging snob?? OKAY KA LANG?? nag hahanap ka lang ng away, at ipinapasa mo ang galit mo sa inosenteng taong inaccept na nga yang friend request mo, inaway mo pa.

MAIN POINT, wag na maghabol, at wag kang magpaka EMO, laslas ka na jan sa isang tabi dahil nagkaron ng girlfriend yang crush mo, dati feeling inlove ka nung single siya, ngayong may girlfriend na siya, panay pagmamalaki mong MASARAP MAGING SINGLE, para matakpan lang yang hinanakit mong nagpapakadesperada ka nang magkaboyfriend.

IHA! hindi minamadali yan, LOOK AROUND YOU, maraming bagay ang maaring makapagpasaya sa iyo, kung ako sa'yo imulat mo yang mga mata mo at alisin mo yang isip mo sa pagboboyfriend, yan lang naman ang hirap sa tao, panay reklamo walang gawa, puro asa hindi maghanap ng paraan. WAG MONG DAANIN SA DESPERATION ANG BAGAY BAGAY, matuto kang mag MOVE ON..



Monday, May 28, 2012

ONE WEEK PALANG KAYO, SUSNUDSUNURAN KA NA? ANO TO PBB TEENS??

alam mo yung PBB teens, doon mo talaga malalaman kung anong klaseng henerasyon meron tayo e, infairness hindi talaga ako nanonood nun kasi na kokornihan ako e, pero sa mga kumakalat sa internet at ayon sa mga kwentuhan ng mga pinsan ko, UBOD NG LALANDI ang mga housemates ngayon! MGA HALIPAROT! sarap igisa with bawang at sibuyas.

pero aminin, lumandi rin tayo ng ganyan kalandi, yung tipong wala nang ligaw ligaw, pasimpleng holding hands, yakap onte. parang globe lang! GO LANG NG GO! depende nalang kung amoy anghit ka noon at walang gustong lumapit sayo, o may 7 wonders of the world jan sa mukha mo, may talampas, may bundok, may burol, MALUFET PAG MAY VOLCANO! yung puputok maya maya.

pero kung tutuusin, kung ikukulong kayo sa iisang bahay ng napakatagal na oras, malamang sa malamang mapapalapit talaga ang loob mo sa mga tao doon, lalo na sa taong pinakacomportable kang sabihin ang lahat. di mo rin naman kasi mapipigilan magpaka totoo, ang tagal nyo kaya don! alangan naman magpakaplastik ka buong laro? edi HIGH EXPECTATIONS sila sa iyo dahil ikaw yung pinakamabait doon sa bahay ni kuya, bale bawal ka lumandi sa labas, o maging maharot whatsoever.

______________________________________________________

balita ko may nagsabi daw doon na 9 days na sila and they are going strong, hindi ko alam kung totoo ang chismis or what pero kung sakasakaling totoo nga MAPAPA... HUUUUWWWWAAAAT?? ka talaga e. parang dati lang sinasabi ang term na going strong pag dating ninyo at ng partner mo ng like... 2 or 3 years? o after kasal siguro, pero 9 days? 9 days?? PUTANG INA KALOKOHAN!

maiba lang, alam mo yung feeling na first week nyo palang ng boyfriend o girlfriend mo pero sunudsunuran ka na? yung tipong sabihin lang niyang mag iba ka ng style ng pormahan, gagawin mo agad? ewan ko rin kung bakit ganun e, hindi ba naging kayo nga dahil he/she LIKES THE WAY YOU LOOK? hindi naman naging kayo para baguhin niya pagkatao mo hindi ba? maaring sa ugali pwede pa, pero sa pananamit at itsura? parang below the belt na ata yan. kung tutuusin, yan na ang personal space mo, parang CANVASS lang, diyan mo pwedeng ipinta, o iexpress lahat ng sinasaloob mo.

PERO GANOON PA RIN PAG SINABIHAN SA MGA SUSUNOD NA LINGGO O BUWAN, susunod pa rin ng walang laban. magpagupit ka kaya? gagawin mo agad, try mo magpolo bagay sayo, bibili na yan mamaya. BAKIT NGA BA? heto na ang malalang explanation niyan, sa buhay pag ibig, gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para mapatagal niyo yan, alangan naman kasing parehas kayong matigas ang ulo at ayaw sumunod, sinabihan si girl na wag na uminom ayan! nabuntis ng barkada, sinabihan na si boy na wag na sumali sa frat, AYUN! TEPIS SA KALYE! nasali sa gang war, basag ang mukha. ay wala talagang mangyayari sa relasyon ninyo! NGA NGA ang abot niyo! SAKIT SA BANGS! hindi nagwork-out ang relasyon, tinamad mag punta ng gym.

kahit sabihin mong 70% lang ng pagmamahal mo ang ibibigay mo para hindi ka masaktan ng todo, BIBIGAY AT BIBIGAY ka pa rin. SUSUNOD ka pa rin, dahil nga mahal mo siya at ayaw mo siyang mawala, at nagbabaka sakali ka na maaring mas mapamahal siya sa iyo dahil ginagawa mo ang gusto niya, parang SCHOOL lang rin naman ang relationships e, gawin mo ang tama MATAAS ang grade mo, may chansa ka pa maging 1ST honor, gumawa ka ng mali, mababa na nga grades mo, uurong ka pa ng upuan, doon ka na banda sa row 4, malapit sa basurahan.

yun lang naman ang main point, EFFORT! isang malalang malalang EFFORT nag kailangan mo para gumanda ang takbo ng relationship niyo, diyan rin kayo makakabuo ng trust; sa bawat pag sunod mo napapatunayan na nagmamahalan nga kayo, at nageeffort kayo para mahalin ng more than before.

pero dapat GIVE AND TAKE hindi take lang ng take yung isa, halos magparetoke na just to please the man, magbigayan rin, para hindi one sided ang relasyon at isa lang ang nageeffort, yun ang tunay na nakakasakit. huwag mo naman sanang hayaang itake for granted ka. ikaw rin ang magsisisi sa bandang dulo. minsan kailangan din natin ng understanding at respect sa personal space, halimbawa gusto magsuot ng short dahil mainit, e ayaw ng boyfriend mo, gusto niya nakapantalon ka at varsity jacket para swagger! iparealize mo naman sana sa kanya na HEAT STROKE ang abot mo sa pag sunod sa kanya, sana maging OPEN MINDED naman siya minsan..




Friday, May 25, 2012

MASAKIT MAGMAHAL NG PATAGO, PERO MAS MASAKIT ANG MALAMAN MONG PASUKAN NA NEXT MONTH

e ano ngayon kung mahaba ang title neto? e gusto ko mahaba e, para sagad sagad na, PERO SOBRANG SAKIT TALAGA, ang sakit sakit ng nalaman ko kay pareng KALENDARYONG pasukan na pala next month, kulang na kulang talaga ang summer sa akin, ewan ko kung nakukulangan ako o ayaw ko lang talaga mag aral, kung tutuusin din naman kasi kung hindi necessary ang pag aaral, WALA NANG NAG AARAL NGAYON.

BAKIT BA GUSTO NG KARAMIHAN MAGPASUKAN? yun yung mga batang nalulubog na sa utang e, yung tipong miski pang load wala na, sinabihan na kasing mag TM naka globe pa rin, ayan naubos tuloy ang pera. sabagay, masaya rin naman ang may pasok, nandiyan ang kaibigan, araw araw na pwedeng makipag date kay boyfriend, makakabili ka na rin sa wakas ng milk tea sa gong cha, serenitea, moon leaf o kung ano mang milk tea shop jan at higit sa lahat may baon.

in other case para sa mga gustong maging SUMA CUMLAUDE excited sila pumasok para ipamuka nila yang straight UNO nila sa mga classmate nila. bow thank you..

tuwing naiisip kong may pasok na next month, nandiyan nanaman ang HOMEWORKS, SEATWORKS, PROJECTS, REPORTS, AT HIGIT SA LAHAT EXAMS. lintik na exam yan. diyan lang naman ako lagi nanganganib, lalo na pag napupunta sa amin yung mga professor na ang lakas ng loob magbigay ng sinko, hindi naman nagtuturo ng maayos.

HAAAAY, sana talaga gumraduate na ko, yun lang, wag naman sana sa bandang dulo, e halos maiyak na ko kaka dasal na sana napasok pa ko kasi sobrang hirap magtrabaho...

NASASAKTAN NGA BA ANG TWO TIMER?



minsan lang talaga ang isang tao hindi nakukuntento, hinandaan na nga ng matinding pagmamahal, naghanap pa ng makadadagdag dito. BUONG BUHAY na nga ang ibinibigay sa kanya, naghanap pa ng iba, kaya karamihan na ng nagmamahal ngayon kalahati nalang ang binibigay dahil sa sobrang pag dududa at pagsisisi.

ano nga ba ang napapala ng two timer? ABA! MARAMI RAMI RIN. two times kang may I LOVE YOU, two times kang may KA-DATE, two times kang may REGALO, two times kang may LAMBING, pero ang pinaka maganda sa lahat, TWO TIMES KANG MAY SAMPAL, TWO TIMES KANG MAY KAAWAY, TWO TIMES KANG MAY MURA, TWO TIMES MAYROONG IIWAN SA'YO.

aray! ARAY TALAGA! samahan mo pa ng malalang malalang...

"TANG INA MO! MAGSAMA KAYO NG BABAE MO! BULLSHIT KA!"

SHET! ang sakit... bakit? KASI WALA KA NAMANG MABABALIKAN dahil parehas ka nilang iniwan. iyak ka nalang sa sobrang pagsisisi mo, nandyan na nga siya, INIWAN KA PA. pero sa totoo lang, wala ka namang karapatang magmukmok, umiyak, o makipagaway, PINILI MO YAN, ikaw ang may kasalanan kung bakit nauwi sa ganyan, PANINDIGAN MO harapin mo ang sampal ng KARMA.

_______________________________________________________________

alam mo, yung ibang lalaki pag maraming CHICKS feeling pogi. oo FEELING lang, kasi hindi naman talaga siya pogi e, GAGO siya, at iyon ang isang bagay na hindi dapat pinagmamalaki, na-gago lang COOL NA AGAD??? hindi ba pwedeng kinaiinisan na? hindi porket marami kang haters e swaggin' cool ka, MARAMI KANG HATERS KASI ANG BAHO NG UGALI MO AT KAILANGAN MONG MAGBAGO. UBOD KA NG YABANG at katalkshitan para magmuka kang nakakataas sa tao. wag kang FEELING, masamang sumikat sa KASINUNGALINGAN, puro salita, tapos pahiya ka sa dulo.

pasalamat pa nga sila at nagkagirlfriend sila, ibig sabihin nun, kahit papaano may nakikita pang mabuting ugali sa KASAMAAN nila. bingo na yon kung makahanap sila ng babaeng nagbubulag bulagan na lang kahit alam na nilang niloloko mo sila, nagbibingi bingihan kahit alam nilang totoo ang chismis, pero sana naman wag nila iTAKE FOR GRANTED ang mga ganitong babae, nagmamahal lang sila, sana suklian niyo rin ng pagmamahal hindi pang LOLOKO, pang GAGAGO, at pang UUTO.

pero may isang tanong sa isip ko e, NASASAKTAN NGA BA SILA? nakakaramdam ba sila ng sakit despite ng kawalang hiyaan nila? despite ng kawalan nila ng KONSENSYA? siguro OO, tao lang din naman yan, nasasaktan. PERO GAGO SILA, alam ko yon...

pero sana magising sila, na ang pangtotwo time ay gawain ng mahilig sa "PANAKIP BUTAS ACTION" kung baga, magaaway sila ng girl 1 niya, tapos tatakbo siya kay girl 2 para malambing siya? panakip butas lang naman kadalasan yung mga ganyan e, at kaduwagan, PRUEBA LANG na hindi sila handa para sa relasyon, na hindi sila marunong lumutas ng problema, na puro SAYA lang ang gusto nila sa buhay.

pero nagkaroon ako ng kaibigang sobrang nasira ang buhay pag ibig dahil sa pang totwo time niya, hindi dahil nag-break sila ng nauna niyang girlfriend kundi dahil iniwan siya ng pangalawa niyang babaeng nagkataong MINAHAL NIYA NG SOBRA. wow ha! biruin mo yon? uso pala yon? uso pala sa kanila masaktan?

sobra sobra ang pagsisisi niya ng magising sa katotohanan yung babae niya, iniwan siya; dahil alam ng babaeng yon na ikasisira lang naman ng naunang relasyon ang kabulastugan nilang dalawa. nakahanap siya ng lalakeng TOTOONG PAGMAMAHAL ANG NARARAMDAMAN niya, at mamahalin niya rin ng totoo. NGAYON NGA-NGA SI KAIBIGAN, sa sobrang kabitteran niya dinadaan niya nalang sa papost post sa facebook, dahil una sa lahat hindi naman niya pinakitang nagmamahal talaga siya, LIKE I SAID PANAKIP BUTAS LANG NAMAN ANG PINAGGAGAGAWA NIYA. hindi rin naman niya mapapakitang nagmamahal siya, dahil alam niya na ang dapat na minamahal niya e yung unang girlfriend. ayun, papost post na lang ng picture nila at ni naunang girlfriend HOPING NA MAGSESELOS SI KABIT, when infact hindi naman talaga magseselos yon, kasi sobrang ganda ng buhay ni kabit at ni bagong boyfriend.

KARMA. malalang malalang karma, yung taong minahal mo ng sobra iniwan ka dahil sa kagaguhan mo, yung taong minahal mo, hindi ka naman minahal, DAHIL HINDI TAMA ANG SITWASYONG MAYROON kayo, ang sakit hindi ba? ang sakit na makita mo yung taong ginawa mong panakip butas noon ay sobrang saya at hindi na babalik sayo.

kahit ipagpilitan mo pa sa iba na hindi ka nasasaktan, na hindi ka bitter para mag mukang cool ka, BITTER KA, ayaw mo lang aminin... nagsinungaling ka hindi dahil para sa ikabubuti ninyo ng girlfriend mo, NAG SINUNGALING KA PARA HINDI IKAW ANG MAWALAN. it's called selfishness

LANDIAN SA FACEBOOK, BAWAL NGA BA??



FINALLY! sinagot mo na ang taong nanligaw sayo noong isang araw! NOONG ISANG ARAW LANG?? hindi ba pwedeng noong nakalipas na ISANG TAON? okay lang yan! friend naman sila since 1st year high school, sila naman ang laging magkasama, ALAM MO YUNG SECRETLY NAGMAMAHALAN? sila yon e.


pakielam mo rin ba kung kahapon mahal na nila ang isa't isa? walang pakielamanan ng trip! LOVE AT FIRST SIGHT NGA YAN E. inggit ka lang!

____________________________________________________________

ayon sa " http://www.techterms.com/definition/facebook " eto ang definition ng facebook...



"Facebook is a social networking website that was originally designed for college students, but is now open to anyone 13 years of age or older. Facebook users can create and customize their own profiles with photos, videos, and information about themselves. Friends can browse the profiles of other friends and write messages on their pages."


in addition to that, in na in talaga satin ang pag gamit ng facebook, kasi nga doon tayo IN TOUCH. alam mo yung feeling na nagbabaksyon ka at kailangan mo magstatus ng "OMG! ANG SAYA SAYA KO!", tapos pag hindi mo nagawa, naiinis ka kasi naiipon lahat ng kailangan mong istatus.


pero minsan daw nakakainis ang mga nakikita sa facebook, tulad ng mga advertisment, mahahalay na posts, mga nagpaparinig at higit sa lahat MGA MAGSYOTANG NAGLALAMBINGAN, yung tipong magpopost si boyfriend tapos mag cocomment si girlfriend ng...


"AWW, I LOVE YOU SOOO MUCH BABY :***"


TAPOS MAGCOCOMMENTAN NA YANG DALAWANG YAN ng i miss you, umabot na ng 50 plus ang comment pa ulit-ulit naman, puro i love you, at i miss you too lang din. YUNG FEELING NA ang sarap makisali para sabihan mo sila ng


"HELLOOOO!!! makikiepal lang ha, MAY CHAT BOX KASI, BAKA GUSTO NIYONG GAMITIN??"


BOOOOOM!! kaso lang baka hindi ka lang rin pansinin, alam mo yung pahiya onti?? ikaw yun e. pero tama nga naman, bakit kailangan pa magwall to wall?? at mag usap sa comment box, when in fact MAY CHAT BOX NGA NAMAN?? hindi nga ba nila naiisip na UMAARIBA ang kalandian nila sa NEWS FEED?? umaariba nga ba? sa dinami dami mong friends sa facebook; halos abutin na nga ng 2000 kakaadd mo ng kung sino sino, kahit alam mong poser lang, BAKIT YUNG DALAWANG NAGMAMAHAL PA ANG NAKITA MO? hindi ba napupuno ang news feed mo ng mga posts ng ibang tao? sila nga lang ba dalawa ang nakakasakop ng BUONG NEWS FEED MO ARAW ARAW, ORAS ORAS, MINUMINUTO, SEGUSEGUNDO??


baka naman kasi GUSTO LANG NILA IPAGMALAKI NA MAHAL NILA ang isa't isa? baka naman kasi, maraming lumalandi sa girlfriend niya kaya siya nag popost ng "i love you babe" araw araw sa wall ni girlaloo para malaman nung mahaharot na lalaki na hindi nga nila pwedeng landiin yung babaeng yon dahil TAKEN na siya. BAKA, baka yun nga naman ang kaso. BAKA naman kasi hindi nila namamalayan ang lambingan nila sa facebook, basta reply lang ng reply dahil sa KINIKILIG SILA SA ISA'T ISA.


balikan natin yung definition ng facebook, sabi nga naman doon...

"Friends can browse the profiles of other friends 

and write messages on their pages."


o yun naman pala, E WALA NAMAN PALANG RULES E, libre naman pala magpost sa wall ng isa't isa, libre naman pala mag comment, libre naman pala mag browse. LIBRE NAMAN PALA. wala naman palang sinabi na kung makikipaglandian ka sa syota mo magbayad ng 30 pesos kada wall post. maiba lang, e bakit ba tayo nakikielam doon sa dalawa? bakit hindi nalang natin hayan na maglambingan sila? bakit kailangan pa nating pindutin yung "view comments" button para mabasa yung pinaguusapan nila? tapos, pagkatapos nating basahin maiinis lang tayo dahil puno ng kalandian nung dalawa.


LIBRE NAMAN ANG IGNORANCE; edi wag mo nalang pansinin, ikaw rin naman ang dahilan kung bakit ka naiinis, alam mo namang ayaw mo ng ganon, ikaw naman tong si epal iniistalk mo pa. mukang grabe na ata pag ganyan, sa dami mong friends yung dalawang magsyota pa ang MAINIT SA MATA mo; hindi kaya SELOS lang yan? baka naman bitter ka sa EX mo na kailanman hindi ka nilambing ng ganoon, o kaya naman si crush yon at naiinis kang sobrang lambing niya sa babaeng girlfriend niya ngayon o kaya naman... BANAS NA BANAS ka sa ganun dahil NBSB ka, at kahit gaano ka na kadesperada, wala talagang gusto manligaw sa'yo. YUN NAMAN PALA, may pinaghuhugutan ka, kung ako sayo MOVE ON, dahil lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.

TUTAL WALA KA NAMAN DING MAPAPALA SA GALIT, kahit magpopopost ka pa na sobrang naiinis ka sa mga magsyotang naglalambingan sa facebook, hindi ka mababayaran, kahit sabihin mong maraming likes ang pinost mo, wala ka parin MAGAGAWA, maglalambingan sila kung maglalambingan sila, MUNDO NILA YON E, wag ka na lang makiepal...

Sunday, May 20, 2012

ANG LANDI MO NAMAN, SUMMER JOB MO?


Summer na naman! uso na muli sa mga estudyante ang SUMMER JOB, para may pera silang panggala o pang tuition, e sa KALANDIAN ano bang mapapala doon? Wala naman sweldo yun ah? Sabi nga ng mga psychologist “PEOPLE WHO FLIRTS A LOT, LACKS LOVE AND ATTENTION”, yun naman pala, kaya naman pala nagpapapansin, KAILANGAN lang ng pagmamahal.

Hindi naman masama lumandi e, e ano ngayon kung lahat ng kaibigan mo lalake? Hindi naman kalandian ang tawag doon, don ka lang nakahanap ng tunay na kaibigan, hindi porket ayaw mong sumama sa mga babae e gusto mo lang lumandi, maari lamang na gusto mo ka kwentuhan ang mga lalaki dahil mas nagtatagpo ang IDEAS niyo, sumasama lang ito kung ang lalandiin mo e yung may kinakasama na…

“Nine 4 o 5 months palang ata yan sila eh.”

A kaya naman pala, 4 o 5 months palang sila, pwedeng pwede pang SULOTIN. ANSAAAVVVEEEEHH??? Umaasa nalang sa sulot, alam mo naming nagmamahalan yung dalawa doon, magkikiEPAL ka pa. sabihin na natin nauna kang nakilala at naging kaibigan ni juan… GIRLFRIEND KA? GIRLFRIEND KA?? Wag mong ipagpilitan na mas may karapatan ka kay juan, DAHIL UNA SA LAHAT hindi naman ikaw ang niligawan, wag kang pifeeling feeling diyan na mas pipiliin niyang gumala kasama KA kaysa sa date nila ng girlfriend niya.

AYUN TODO EFFORT sa paglandi, panay chat niya sa FB ni JUAN, panay like ng pictures ni JUAN, panay comment ng “ang cute mo naman talaga dito”. BOOM! Kung katabi mo lang yang girlfriend niyan siguro sinaksak ka na niyan.

BAKIT NGA BA MASARAP LANDIIN ANG LALAKING MAY GIRLFRIEND NA? bakit nga ba? Baka naman kasi may sense of achievement, nag pag ikaw ang pinili at hindi yung girlfriend niya, mas maganda ka kaysa doon. GRABE LUNGS! Hindi naman competition ang pag-ibig, hindi naman to BB. PILIPINAS para rumampa rampa sa harap ng isang lalaki para pag pilian kung sino ang mas maganda.

Sa ibang lalaki kasi dagdag pogi points pag pinagaagawan sila ng babae, HUWAG NAMAN NINYONG HAYAAN NA ANG LALAKI ginagawa lang kayong isang matinding option, hindi naman kayo collection ng Barbie na pagpipilian kung sino ang magandang damitan at laruin. HUWAG NAMAN KAYONG PUMAYAG NG GANON.

GIRLFRIEND, BOYFRIEND, BESTFRIEND



Kung ang mga babae, may “BEST FRIEND FOREVER”, ang lalake, may “ka-tol” yan, hindi yung katol na pamatay ng lamok, o yung hinihit hit ng mga tambay sa jan sa kalye, pero yung katropa nyang dikit, yang bestfriend niyang yan, diyan siya madalas magsabi ng problema, diyan siya madalas magkwento, diyan siya madalas mangutang ng pera, at diyan, diyan siya MINSAN, magpalakad sa mga chicks.

MINSAN? BAKIT MINSAN E BEST FRIEND NGA SILA?? Minsan lang, kasi yung mga chikas na gusto ni Juan, masusulot pa ng BEST FRIEND.


Best friend ang tawag sa taong pinakamalapit sayo sa buong tropa, siya yung lagging nandiyan, shoulder to lean on, yung makakakwentuhan mo sa lahat ng bagay. Tatlong bagay lang ang pwede mangyari kay bestfriend pag nagka girlfriend si JUAN

1.       1. Masaya siya para sayo

Yun yung tipo ng bestfriend na supportado ka sa lahat, naiintindihan niya pag hindi siya makagala kasama ang tropa dahil monthsary nila ni girlfriend, naiintindihan niya na hindi ka makausap kasi muntik na kayo mag break ng chicks mo, yung mga ganung kaibigan.

2.       2. Mas close pa sila ng girlfriend mo kaysa sayo.

Sobrang saya niya para sa sayo at ng girlfriend mo, halos sa lahat ng galaan sila nalang lagi yung magkausap, ALAM MO YON? Nakayakap nga sayo, ang kinakausap naman yung bestfriend mo, kulang nalang ingudngod mo yung pagmumuka nila sa isa’t isa.

juan: PUTANG INA! KAYO NA NGA LANG! SAYO NA! SAYO NA! MGA BWISIT KAYO!

3.       3. At ang pinakamasaklap sa lahat… SILA NA, NG GIRLFRIEND MO.

ARAY! BENGGA TO THE MAX! ang chaket chaket! Kaya pala parehas absent nung nakaraang araw, nasa Victoria court pala yung dalawa. Wala kang kaalam alam sa lahat. Malalaman mo nalang ang kumakalat na chismis na ang BESTFRIEND mo at ang GIRLFRIEND mo ay palaging magkadate.

Totoo ba yon? pag nagkaron ka ng chicks halos crush na ng buong tropa? Yung tipong pag pinakilala mo sa tropa mo halos lahat sila gusting tirahin yang chikas mo? TOTOO BA YON?? Karamihan OO. Parang boys over flowers lang ang datingan ah! Taray! Haba ng hair ni ate, pinagnanasahan, pinapagpantasyahan.

Pero sana naman si ATE, alam kung sinong una niyang nakilala at minahal, hindi ka naman pokpok na ibinubugaw ni JUAN sa mga katropa niya para piliin mo kung sino ang pogi, mabait at pwede mong gawing boyfriend. Tandaan naman sana niya na ipinakilala ka niya sa tropa niya para malaman ng buong tropa niya na DAPAT KANG RESPETUHIN at hindi dapat pag agaw agawan, dahil kay JUAN ka lang.

E ANO NAMANG KASO DOON SA BESTFRIEND? Ang bestfriend hindi karamay sa lahat, hindi porket nagkaron ng girlfriend si juan ay girlfriend niya na rin yon, sana naman karamay ka lang niya sa advice, HINDI KARAMAY SA PAGTIRA SA GIRLFRIEND NIYA. Masakit yon, ilagay naman sana ni bestfriend sa isip niya na ang kay JUAN kay JUAN lang, ang hindi dapat hatiin huwag na wag hahatiin.

Alam mo yon, si bestfriend na pala at si girlfriend, pero sila pa rin ni JUAN. Kaya pala tawa ng tawa yung dalawa dun sa tabi dahil may naalala silang ginawa nila noong wala si juan. GRABETI! Natuwa pa kayo. KONSENSYA NAMAN sana ang paganahin niyo.

Masaya si bestfriend, MASAYA SIYA KASI NASULOT niya ang babaeng gusto niya; pero hindi e, HINDI NAMAN TO DAPAT IKASAYA dapat lang tong ikalungkot dahil nasira na nga ang pagkakaibigan ni bestfriend at JUAN, nakasira pa ng plano ng dalawang taong dapat magtatayo ng bahay at bubuo ng isang pamilya.

Ang bawat tao nagkakamali yan, PERO WAG NAMAN TAYO MAGPADALA SA TUKSO. Pilitin naman nating tumagal ang pagkakaibigan, DAHIL LANG SA ISANG BABAE magkakapatayan kayo? Respetuhan lang naman kasi yan. RESPETO NA LANG. wag nang makihati.




NANG NATUTONG MAGSUOT NG MINI SKIRT SI MARIA CLARA


boom boom pow, laban, tuos, laro, jugjugan, one on one o SEX itranslate mo sa tagalog... K-A-N-T-U-T-A-N, ang panget pakinggan no? pero kung haharapin mo ang realidad ng buhay, kaya mabanggit ang salitang "kantutan" ng mga batang naglalaro diyan sa labas ng kalye, minsan pa nga nagsasabihan sila ng mga kalaro nila ng  "tirahin kita sa pwet" at "chupain mo ko" kapag natalo yung team nila sa tumbang preso o kaya patintero, GRABE! ultimo salitang "tite" at "pekpek" maririnig mo sa mga bibig ng mga musmos na akala mo hindi pa namumulat sa mundo.

samantalang dati, kapag may matandang nakarinig sa sinabi mo, PATAY KA! luluhod ka sa mungo, o sa asin, o panay palo ng walis tambo sayo ng nanay mo, minsan hanger pa, o kaya sinturon ni tatay, tapos kukurutin ka pa sa singit ni lola, at hindi ka papansinin ng buong ankan niyo dahil sa kabastusang ginawa mo. ngayon, tatawanan ka nalang, tuturuan ka pa kung pano mag bad finger, at sumigaw ng "FUCK YOU!"

sabi tuloy ng mga experto, ANG BOBO NG HENERASYON NA TO. pero teka teka, hindi ba sa kanila natin unang narinig ang salitang ganito? hindi ba't sa isang tabloid makikita ang ganitong kahahalay na salita? hindi ba't sa telebisyon o radyo tayo natututo ng pasimpleng kahalayan at "green jokes"? SO THEREFORE, HINDI TAYO BOBO, naipasa lang sa henerasyon natin ang kabobohang nagmula sa isang grupo noong unang panahon.

__________________________________________________________________


si maria clara? siya yung babae nung SINAUNANG PANAHON, yung kahit anong init ng araw balot na balot at hindi makabasag pinggan ang datingan, ngayon, si maria clara ay isa na lamang parte ng iyong magandang alaala, bakit? dahil nakilala niya si JOE at natuto siyang kumirengkeng gamit ang bago niyang identity... "MARIE CLAIRE". 


alam mo ba yung pelikulang "american pie"? yun  yung pelikulang ubod na halay, yung tipong kung saan ka nalang maabutan ng LIBOG. PERO NAKAKATAWA NAMAN... nakakatawa nga ba dahil sa pag arte nila? o nakakatawa kasi kahit papaano nakakarelate ka sa mga scene ng pelikula? yan ang malaking katanungan. "philippine pie" magkakaroon kaya?

SEX, SEX, SEX. SEX SELLS! kaya nga makakakita ka ng babaeng nageendorso ng kung ano, kulang nalang ilabas mo na yung utong nung model para mas lalong bumenta yung produkto mo. gaano na ba kalawak ang scope ng sex? parang dati lang ilang na ilang tayo pag naririnig natin yan noong elementary, pag dating ng high school, mayroon nang usapang kalibugan pero nagkakahiyaan umamin kung sino ang virgin pa o hindi, kasi pag nalaman nilang hindi ka na virgin nung high school, pokpok ka. E NGAYONG COLLEGE KAYA? nako! normal na usapan na lang ang sex sa college, iilan na lang ang nagdedeny, halos lahat aminadong hindi na sila virgin, OPEN MINDED naman tayo hindi ba? malalaki na tayo, e ano ngayon kung hindi na virgin si maria? siya pa rin naman si maria na kabiruan mo sa classroom e, si maria na masarap kasama, labas ka na sa buhay kama niya.

so normal na nga lang ba ang sex sa kabataan dito sa pilipinas? ganoon na ba tayo ka liberated? sabi nga daw nila masarap ang bawal. KAYA PALA ISA NANG NATIONAL SPORT ANG KANTUTAN. lingon sa kaliwa, magasawang naglalaplapan, lingon sa kanan halos lumuwa na yung suso nung teenager sa sobrang baba ng spaghetti strap nya.

ibang iba tayo sa dati no? noon ang salitang sex sagrado sarado. ngayon sigaw ka lang ng sex diyan sa eskinita maraming lalapit sayo, yung iba magbabayad pa. sabi nang mga matatanda, ang PUPUSOK DAW NG MGA KABATAAN NGAYON, marahil sa kanilang curiosity at experementation, pero hayaan mo na, sila rin naman ang magsisisi pag nagkamali sila, at dun nila malalaman kung gaano nila dapat inalagaan ang sarili nila, lalo na pag nabuntis sila, nakabuntis sila, o nagkasakit sila, NG MALALA, MALALANG MALALA.

SABI NGA NG TORPE WALA SIYANG LAKAS NG LOOB





naranasan mo na bang magmahal ng torpe? yung ikaw pa ata yung mukang nang liligaw sa kanya? NAKAKADEGRATE NO? kasi ang akala ko si maria clara ang hinaharana, habang si juliet naman ang inaakyat ng ligaw, ngayon wala talaga e, mas mahinhin pa sa DALAGANG PILIPINA yung ibang lalaking gusto mo sana, pero ayaw mong suyuin kasi pano ka naman mamahalin ng torpe di  ba? ANG SAKIT! ANG SAKIT SAKIT pag one sided ang pag-iibigan, isa lang ang nang lalambing, isa lang ang nagpapasaya, ikaw na si bruskong bruno at nililigawan mo si anne, si anne na hindi makabasag pinggan, tatawa nalang magtatakip pa ng panyo.

____________________________________________________________________

sabi sa kanta ng eraserheads, "wag mo na akong pilitin, ako ay walang lakas ng loob" e gago pala to e, pano ka magkakagirlfriend niyan kung lahat nalang ng babaeng nagpapansin sayo tinitigan mo lang. ALAM MO YON? mahal mo, mahal ka, tapos wala na! kasi hindi mo man lang matanong ng "pwede ka bang ligawan?". minsan yang mga babae yan? nag hihintay lang yan ng ganyang tanong, syempre kahit anong harot nila, kahit papaano, pa maria clara naman ng kaunti.

sana naman magpakalalake ka, matuto kang tumayo at panindigan kung anong nararamdaman mo, ano yan? kapag inaway si maria ng mga malalanding babe, yayakapin mo lang at sasabihan mong lilipas rin yan? IPAGTANGGOL MO NAMAN! IPAKITA MONG PAG KASAMA KA NIYA, WALANG MAKAKASAKIT SA KANIYA.

lalo lang yan maiiyak sa pinag gagagawa mo e. masama kung masobrahan ka pagmamahal, pero MAS MASAMA KUNG KULANG NA KULANG KA SA PAG MAMAHAL. sabi nga sa commercial, pag walang NANAY... kulang. hindi talaga pwedeng isa lang ang nagaasikaso e, kaya nga gusto mo siya maging kapartner kasi kaya mo makipagteamwork.

I LOVE YOU yan ang pinaka maangas na motivation na kaya mong maibigay sa taong gusto mo, pero kung nahihirapan kang bigkasin yan tatlong napaka ikling salita na yan, wag ka nang umasang may magbabalik sayo ng "i love you too", wag ka na ring umasang may magtyatyagang mahalin ka ngayong hindi mo naman alam kung pano magbalik ng pag mamahal.

ONTING SAKRIPISYO NALANG, LANGIT NA ANG BAGSAK MO



naramdaman mo na bang magpuyat dahil hindi makatulog si crush? yung tipong hindi ka makareply ng "good night na, tutulog na ako" dahil nagbabakasakali ka na ligawan ka niya noong madaling araw na yon? o hinihintay mong lambingin ka nya, yung may kasamang banat na...

juan: maria, china ka ba?

maria: bakit?

juan: baka gusto mo rin akong angkinin?



BOOOOOM!! ayan! diyan ka nadadale eh, tapos pagkatapos niyan, ikaw na ang hindi makatulog sa sobrang kilig mo, halos parang ineepilepsy ka na jan sa kama mo. ang sarap sa feeling no? syempre si crush yon e, malay mo sa pag eeffort mong itext text siya kahit abutin ng madaling araw, bumigay si crush at mahulog sa iyo. AYYYYIEEE! yun lang naman ang hinihintay mo di ba? okay lang na si crush ang makatulog, wag lang ikaw.

________________________________________________________________

pero SA TOTOO? lahat nga ba ganyan? pagkatapos mo magpuyat, kahit alam mong FINALS niyo na sa calculus at wala ka pang narereview makausap lang si crush, AY NAGBUBUNGA NGA BA? sure ka ba na pagkatapos ng bonggang bonggang effort mo magpuyat kasi sunday naman bukas, AY MAPAPAINLOVE SI CRUSH? ang tanong... nakikita nga ba ni crush ang effort mo? na halos mamatay ka na kakainom ng ilang tasa ng kape tumirik lang ang mata mo para mabasa ang kanyang reply, na natuluan mo ng laway ang test paper mo kasi mas masarap matulog kaysa intindihin yung conjugal property na kailangan isolve sa test paper.

malala, MALALANG MALALA talaga kung hindi ka naman pala trip ng crush mo, BASAG ANG PANGARAP MONG MAKASAMA SIYA SA PUERTO GALERA, at higit sa lahat may eyebag ka na, mamamaga pa yang mga mata nang makita mo sa facebook na in a relationship na pala si crush, sabay stalk sa girlfriend ni crush para lang laitin

maria: MAPUTI LANG YAN PUTA! PAG PINAITIM MO YAN MUKA RIN YANG UNGGOY! BWISET!

HANEP! kung makalait kala mo siya ang maladiyosang anyo sa balat ng lupa. e pano kung naapreciate KA naman pala ni crush? HAYIEEEEE! edi ang saya! parang cloud 9! ayun naman pala... ikaw pala ang hinihintay ni crush na makatulog, hindi mo halos maisip na muka na siyang tanga sa simbahan, humihilik habang homily ni father, tapos ang grabe pa doon ang lakas ng loob niya makipagkita sayo ngayong hagardness na ang itsura niya at wala pa siyang tulog, ginagawa lahat ng paraan makita ka lang, ikaw naman tong si kilig OO ka naman, hindi mo man lang patulugin sandali yung tao, baka kasi bumulagta sa EDSA yan dahil sa overfatigue... DAHIL SA OVER OVER na pagmamahal, tama nga naman, love needs sacrifice, pero sana yung tamang sacrifice lang, WAG YUNG SOBRA SOBRA baka sa langit na ang punta niya.

Saturday, May 19, 2012

SANA YUNG PANA NI KUPIDO SA PUSO KO TUMAMA, WAG NAMAN SANA SA PAA



alam mo mo yung masakit? yun yung kinukwento pa sayo ng taong mahal mo kung gano sila kaclose nung mahal nya, LOVE TRIANGLE LANG TEH? ayy oo. pero ang tanong, mahal kaya siya nung mahal mo? pano kung oo, edi panakip butas ka lang pala? wag naman sana...

_______________________________________________________________

madaming social networks ang nagkalat sa mundo, para mapadali ang konekoneksyon ng tao sa bawat isa, yun nga ang mahirap doon e, sa sobrang dali, sobrang bilis mong makasagap ng chika, SOBRANG BILIS MO RIN MASAKTAN.

MAY GIRLFRIEND NA DAW YAN SI JUAN AH!

OUCH! samantalang kagabi lang magkausap kayo sa "oovoo" yung pang video chat sa internet, ang saya saya niyo kahit muka kayong tanga nagtititigan lang at walang mapagusapan, di mo lubos maisip kung gusto ka lang talaga niya saktan o, GUSTO KA LANG NIYA TALAGA SAKTAN, wala namang ibang choice eh. ano pa bang magagawa mo? kahit halos lahat nalang ng pahiwatig ginawa niya, yung tipong tatawagan ka pa niya sa phone with matching background music na "till they take my heart away ni kyla", nalaglag na panty mo at lahat lahat, sa bandang dulo rin naman pala hindi magiging kayo dahil hindi ka niya trip.

sino ka ba naman kasi para pag sabihan siya? magkaibigan lang naman kayo... YUN NGA E! MAGKAIBIGAN lang. kaya wala kang karapatan magselos, HINDI NAMAN KASI LAHAT NG BAGAY PWEDE MONG ANGKININ.

pero minsan sa dinami dami ng pag papapansin na ginagawa mo, hindi mo talaga alam kung nagtatanga tangahan lang siya na hindi niya alam na mahal mo siya, o sadyang manhid lang si kuya, o baka naman... ayaw niya lang sabihin na hindi ka niya gusto para hindi ka umiyak na parang namatayan. hindi mo rin masasabi...

pero masakit maghintay sa wala, lalo na kapag inaasar ka niya sa iba ngayong alam mo naman na siya lang ang sinisigaw ng puso mo, na siya yung napanaginipan mo kagabi, na siya lang talaga. di mo lubos maisip kung yun na nga ba talaga ang pamamaraan niya nang pagsasabi na "GO AWAY! SHOO!" pero ikaw parin tong asong hahabol habol kasi gustong makipaglaro ng fetch, na alam mo namang pagbalik mo sa kanya, itataboy ka niya ulit, ikaw naman tong si tanga, MAPAGOD KA NAMAN SANA MINSAN....

EFFORT NGA BA?


minsan talaga sa sobrang dami mong iniintindi sa buhay, nakalimutan mo nang may taong naghihintay sayo, yung laging nagmamahal, YUNG TAONG LAGING UMAASANG MAPANSIN MO, YUNG HINIHILING NA SANA MAKASAMA KA HABANG BUHAY, yung sa sobrang dami mong iniintindi sa buhay, nakalimutan mong may isang taong lagi kang iniintindi, laging nagmamahal, yung taong nagpapapansin sayo, yung taong isa lang ang hiling kung hindi MAKASAMA KA HABANG BUHAY...
________________________________________________________________

pagkatapos kang sabihin sayo ng taong mahal mo na may mahal siyang iba, isa lang ang gusto mo kung hindi makalimot. teka... pano ba niya sinabing may mahal siyang iba?

maria: may mahal ka na ba?

juan: oo



pero meron nga ba? sabagay, mahirap naman magfeeling at mag assume na ikaw ang mahal niya, NAPAKA GENERAL NA SAGOT ANG OO, hindi nya naman sinabing ikaw ang mahal niya bakit kailangan mong dibdibin ng todo at magpost sa FACEBOOK na inlove ka, when in fact hindi ka naman sure. Pano kung yung mahal niya pala ay si maria? si maria na kabiruan niya sa klase nila, hindi si maria na IKAW. edi ang sakit nun pagkatapos mo magfeeling feeling diyan.

pero paano naman kung pagkatapos mo magdrama drama kasi ayaw mo ngang magfeeling at ngayon nakahanap ka na ng iba, e nalaman mong ikaw pala ang mahal niya? kaya pala panay ang suyo niyasayo, at ikaw panay taboy mo sa kanya dahil sa napagusapan mo nung nakaraan. NAKO! MAS MASAKIT YAN! isa lang naman ang dapat mong pagsisihan e, pagsisihan mong hindi mo siya kinausap ng maayos para maliwanagan ka, kung sinabi niyang hindi ikaw ang mariang mahal nya, mag move on ka, kung sinabi niyang ikaw yon, nasa iyo nalang kung maniniwala ka o hindi. para wala kang pagsisisihan di ba?

naniniwala rin naman ako sa love, na lahat ng tao sa mundo may happy ending, nawalang nang malulunkot, wala nang magiisa, na may taong naghihintay sayo. ika nga ng iba ang love ay parang "sulit.com.ph" HANAP. USAP. DEAL.

PAANO NGA BA MAKALIMOT?

paano nga ba? yan naman lagi ang tanong ng nagmuMOVE ON. lahat naman ng pinagsamahan mahirap kalimutan, subukan mo, masasaktan ka talaga, alam mo yun? yung tinatry mo nang alisin  sya sa isip mo tapos bigla kang itetext ng "hoy", ang masaklap dun, nireplyan mo pa, GM lang pala. yaaaan, landi mo kasi, pifeeling feeling, hindi ka nireplyan? SAKIT NO?

inalis mo na yung wallpaper ng pagmumuka nya sa cellphone mo para makalimot, tapos makikita mo yung mga bagay bagay na magpapaalala sayo tunkol sa kanya. ANG HIRAP NO?

pero ang pinakamahirap sa lahat, yung nagmamalamig ka sa kanya pero panay PILIT nyang kausapin mo siya at hindi ka makakasagot ng hindi, KASI HINAHANAP HANAP MO SIYA.

BAKIT KA BA GANYAN??? PUTANG INA NAMAN O!


YAN! o ano? nasaktan ka no? alam mo naman kasing marami siyang babae tapos didikit dikit ka pa? nakita mo naman yung cellphone niyang maraming folder ng CHICKS, kung makalambing ka pa wagas. pero di rin kita masisisi... alam naman nating HINDI MAPIPIGILAN ANG PUSO MAGMAHAL. 

__________________________________________________________________

paano ba makalimot?

1. burahin ang connection

umaga, tanghali, hapon, inabot ka na ng gabi, hinihintay mo pa rin siya mag ONLINE, wala kang pakielam kung nilalangaw ka na diyan sa pinepwestuhan mo, basta makachat mo lang siya, MAGBAGO KA NA OYY! tumagaktak man ang dugo sa tumitirik mong mata, hindi magoonline yan kung busy sya talaga, wag ka nang magpaka desperado. BITAW NA. kung maka stalk naman sa facebook kala mo may krimen na kinasasangkutan, halos lahat na ng picture dinownload mo na, may sariling folder ka na diyan sa laptop mo, minsan tinatabi mo pa sa cellphone para makita mo bago matulog, pano mo makakalimutan yan kung puro siya laman ng telepono mo.

2. control

kahit anong kati ng kamay mong itext siya, wag mo nang itext, libangin mo naman sarili mo, itetext mo tapos pag hindi ka nireplyan MAG EEMO KA NA. kulang nalang iscotch tape mo yang mata mo para abangan kung iilaw yang cellphone mo, tapos pag umilaw, AYY! EXPIRED NA DAW UNLI KO. aray! iyak ka na.

3. maglibang

ayan naninigas ka na diyan sa kinalalagyan mo sa kakahintay ng PM nya sa facebook o text nya, UTANG NA LOOB NAMAN. marami kang pwedeng magawa sa mundo, magbasa ka, mag youtube ka, magpicture picture ka, O KAYA KAUSAPIN MO ANG MGA KAPATID O KAIBIGAN MO AT MAGLINIS KA NG BAHAY. gusto mo makalimot di ba? deal with it.

4. LET GO

oo nga naman, pano ka naman kasi makakalimot kung lahat ng binigay nya sayo ang sumasalubong sayo pagkagising mo sa umaga, wag ka magfeeling, ALAM MO NAMANG HINDI KA MAHAL.

pero sino ba naman ako para husgahan ka, TIME HEALS EVERYTHING, di naman siguro lahat ng bagay madaling kalimutan, lalo na kung sobrang saya ng buhay mo pag nandya siya, pero kung ako sayo? KUNG ALAM MO NANG SOBRANG SAKIT NA... BITAWAN MO NA, kawawa naman ang puso mo tapos na ang marathon, umuwi na lahat, takbo pa rin siya ng takbo, umaasang may finish line pa rin sa dulo...

PARA SA PUSONG TULIRO: FRIENDSHIP NGA BA ANG TAMANG TERM?


   
Alam mo yung desidido kang IQUIT LAHAT NG BISYO MO para sa isang tao? Tapos sa bandang dulo, malalaman mong.. HINDI KA NAMAN PALA GUSTO. Aray? ARAY KA TALAGA DUN. Tapos nung malaman laman mo, PUTANG INA TALAGA! Halos suntuksuntukin mo na yung pader pero hindi mo kaya kasi baka magkapasa ang iyong DELICATE SKIN.

  hindi naman ako madaling mainlove e, kahit daanin mo pa sa ilang banat, o sumali ka pa sa mister pogi, o ilibre mo man ako sa FINE DINING, hindi talaga ako maiinlove, kahit ibigay mo pa lahat lahat pati kaluluwa mo, o laman loob mo. Kahit ialay mo pa yang pilik mata mo at gawan mo ko ng altar, HINDI AKO NAIINLOVE, pero hindi nga ba? Ewan ko rin, kasi minsan may lalaking napapalapit talaga ako, nalilito ako kung mahal ko siya o hindi. MAHAL NA AGAD? HINDI BA PWEDENG CRUSH MUNA? Uhh.. pwede naman siguro, yun nga inaalala ko e, baka biglang paghanga lang lahat to, MAGKAKASAKITAN PA, pero pano kung hindi? Alam mo yun? Mahal mo na, pero nagkaron na ng ibang mahal, yung… handa ka na, na sagutin mo siya ng OO pero napagod na pala siya kakahintay sayo. SAYANG LANG DI BA? At ang magagawa mo lang magmukmok sa facebook mag post ng mga quotes about sa “broken heart”, magtititext ng GM na walang kwenta at manuod ng JAMICH tapos iiyak ka kasi si MICH nakahanap ng JAM, ikaw NGANGA. Yun lang naman ang mahirap dun. YUNG TALAGA YUNG NAKAKASAKIT.
___________________________________________________________________
  
  Meron akong nakilala… perfect couple? O perfect friends? FRIENDS? FRIENDS?? May pahalik halik, payakap yakap, ang saya saya nilang tignan, may pa HHWW pa, ang saya ng ganung FRIEND no? sobrang saya talaga! Pag tinignan mo yung cellphone nila, wallpaper nila yung isa’t isa, panay text ng I love you baby, honey, hubby, churva, chenes, eklabu, tapos pag nag I love you too… MATIK NA YAN! KASUNOD NYAN I MISS YOU! Wow! Grabedad! Yan nab a ngayon ang makabagong friendship? Pwede, pwede! Pwedeng FLIRTATIONSHIP, M.U. o FRIENDS WITH BENEFITS pero hindi friends, yung mga GANYAN? yan yung mga litong lito sa lagay nila e, yung mahal na mahal mo na pero natatakot ka na hindi ka naman ata mahal, at layuan ka pag nagka-ilangan na.

  pero hindi naman lahat ng kaso ganun, baka naman isa sa kanila takot iwanan ang kung meron sila ngayon, alam mo na… BARKADA, PARTY, DATES at ang pinakamalala SEX. Tama nga naman, kasi pag nagkaboyfriend o girlfriend ka, yung ibang masarap sa mundo, na nararanasan mo, itatabi mo, IT’S CALLED SACRIFICE. Gago lang naman ang hindi nagsasakripisyo, yung tipong panay CHONGKE mo, pati katol tinitira mo habang naiiyak yang syota mo kakaalala sayo, GRABETI! Nag girlfriend ka pa, hindi mo rin naman pala siya maiintindihan.

  pero maiba lang… bakit nga ba kailangan may pet name ang kaibigan mo? Hindi nalang ba pwedeng tawagin mo si JUAN na JUAN, at si MARIA na MARIA? Bakit kailangan pa na tawagin mo silang GUMMYBEAR, HAPPINESS, LABS, HONEY, BABY? Hmmm… pero kung tutuusin, dito talaga sila nagiging close, tapos pag nagkikita, pag nagkatinginan ng malagkit, SIMPTOMAS NA AGAD YAN NG TAWAG NG KAMA. Pero joke lang yon, kiss muna tapos tirahin mo na, pero joke lang ulit yon, kiss muna, tapos hug, tapos tirahin mo na, ang masaklap pa dun kaclose mo na yung kamaganak nya, good shot na good shot ka dun halos dun ka na matulog; pagkatapos nyan… malilito ka na, sa sobrang close nyo, HINDI MO NA ALAM KUNG SAAN KA BANDA, friends? Best friends? Friends with benefits? Lovers? Ang hirap magdecide no?

  e pano kung FRIENDS WITH BENEFITS LANG PALA? Naalala ko noon, sabi sa READER’S DIGEST, “the more you have sex with someone, the bigger the possibilities that you fall in love with them”, nag survey ako sa mga kaibigan kong may friends with benefits, totoo daw yan, pero may isang sumagot na HINDI, pero hindi nya akalain na parang nahuhulog na yata siya sa isang kasex nya, kasi daw, halos lahat naman ng FRIENDS WITH BENEFITS nya hindi naman sya na iinlove, pero meron talagang “something” doon sa lalaking yun e, hindi naman daw siya kagwapuhan pero there’s something about him, hindi nya naman daw yun nakakasex lagi, at bihira nya lang Makita, pero pag nagkita sila, parang ayaw nya na daw pakawalan…

BAKA YUN LANG ANG KAILANGAN NYA… yung lalaking magkakabago sa buhay nya, yung lalaking hindi puro SEX ang nasa utak, KUNDI PAGMAMAHAL na tunay, yung lalaking kayang palagpasin ang isang araw ng walang kahalayan, yung lalaking itatrato ka na parang MARIA CLARA kahit alam niyang hindi ka na santong birhen…