paano nga ba? yan naman lagi ang tanong ng nagmuMOVE ON. lahat naman ng pinagsamahan mahirap kalimutan, subukan mo, masasaktan ka talaga, alam mo yun? yung tinatry mo nang alisin sya sa isip mo tapos bigla kang itetext ng "hoy", ang masaklap dun, nireplyan mo pa, GM lang pala. yaaaan, landi mo kasi, pifeeling feeling, hindi ka nireplyan? SAKIT NO?
inalis mo na yung wallpaper ng pagmumuka nya sa cellphone mo para makalimot, tapos makikita mo yung mga bagay bagay na magpapaalala sayo tunkol sa kanya. ANG HIRAP NO?
pero ang pinakamahirap sa lahat, yung nagmamalamig ka sa kanya pero panay PILIT nyang kausapin mo siya at hindi ka makakasagot ng hindi, KASI HINAHANAP HANAP MO SIYA.
BAKIT KA BA GANYAN??? PUTANG INA NAMAN O!
YAN! o ano? nasaktan ka no? alam mo naman kasing marami siyang babae tapos didikit dikit ka pa? nakita mo naman yung cellphone niyang maraming folder ng CHICKS, kung makalambing ka pa wagas. pero di rin kita masisisi... alam naman nating HINDI MAPIPIGILAN ANG PUSO MAGMAHAL.
__________________________________________________________________
paano ba makalimot?
1. burahin ang connection
umaga, tanghali, hapon, inabot ka na ng gabi, hinihintay mo pa rin siya mag ONLINE, wala kang pakielam kung nilalangaw ka na diyan sa pinepwestuhan mo, basta makachat mo lang siya, MAGBAGO KA NA OYY! tumagaktak man ang dugo sa tumitirik mong mata, hindi magoonline yan kung busy sya talaga, wag ka nang magpaka desperado. BITAW NA. kung maka stalk naman sa facebook kala mo may krimen na kinasasangkutan, halos lahat na ng picture dinownload mo na, may sariling folder ka na diyan sa laptop mo, minsan tinatabi mo pa sa cellphone para makita mo bago matulog, pano mo makakalimutan yan kung puro siya laman ng telepono mo.
2. control
kahit anong kati ng kamay mong itext siya, wag mo nang itext, libangin mo naman sarili mo, itetext mo tapos pag hindi ka nireplyan MAG EEMO KA NA. kulang nalang iscotch tape mo yang mata mo para abangan kung iilaw yang cellphone mo, tapos pag umilaw, AYY! EXPIRED NA DAW UNLI KO. aray! iyak ka na.
3. maglibang
ayan naninigas ka na diyan sa kinalalagyan mo sa kakahintay ng PM nya sa facebook o text nya, UTANG NA LOOB NAMAN. marami kang pwedeng magawa sa mundo, magbasa ka, mag youtube ka, magpicture picture ka, O KAYA KAUSAPIN MO ANG MGA KAPATID O KAIBIGAN MO AT MAGLINIS KA NG BAHAY. gusto mo makalimot di ba? deal with it.
4. LET GO
oo nga naman, pano ka naman kasi makakalimot kung lahat ng binigay nya sayo ang sumasalubong sayo pagkagising mo sa umaga, wag ka magfeeling, ALAM MO NAMANG HINDI KA MAHAL.
pero sino ba naman ako para husgahan ka, TIME HEALS EVERYTHING, di naman siguro lahat ng bagay madaling kalimutan, lalo na kung sobrang saya ng buhay mo pag nandya siya, pero kung ako sayo? KUNG ALAM MO NANG SOBRANG SAKIT NA... BITAWAN MO NA, kawawa naman ang puso mo tapos na ang marathon, umuwi na lahat, takbo pa rin siya ng takbo, umaasang may finish line pa rin sa dulo...
No comments:
Post a Comment