bagong blog! in TagLish! haha LOL walang makausap, tuliro, tulala, may tanong ka? PSST! PARE TANONG MO SAKIN, AKO SASAGOT! :)) ISANG NAPAKALALANG BLOG tunkol sa buhay college, highschool, trabaho, bahay, pag-ibig o sarili, sabi nga sa TEAM MANILA, ANG BUHAY AY PARANG NOBELA. tara isulat natin.
Sunday, May 20, 2012
SABI NGA NG TORPE WALA SIYANG LAKAS NG LOOB
naranasan mo na bang magmahal ng torpe? yung ikaw pa ata yung mukang nang liligaw sa kanya? NAKAKADEGRATE NO? kasi ang akala ko si maria clara ang hinaharana, habang si juliet naman ang inaakyat ng ligaw, ngayon wala talaga e, mas mahinhin pa sa DALAGANG PILIPINA yung ibang lalaking gusto mo sana, pero ayaw mong suyuin kasi pano ka naman mamahalin ng torpe di ba? ANG SAKIT! ANG SAKIT SAKIT pag one sided ang pag-iibigan, isa lang ang nang lalambing, isa lang ang nagpapasaya, ikaw na si bruskong bruno at nililigawan mo si anne, si anne na hindi makabasag pinggan, tatawa nalang magtatakip pa ng panyo.
____________________________________________________________________
sabi sa kanta ng eraserheads, "wag mo na akong pilitin, ako ay walang lakas ng loob" e gago pala to e, pano ka magkakagirlfriend niyan kung lahat nalang ng babaeng nagpapansin sayo tinitigan mo lang. ALAM MO YON? mahal mo, mahal ka, tapos wala na! kasi hindi mo man lang matanong ng "pwede ka bang ligawan?". minsan yang mga babae yan? nag hihintay lang yan ng ganyang tanong, syempre kahit anong harot nila, kahit papaano, pa maria clara naman ng kaunti.
sana naman magpakalalake ka, matuto kang tumayo at panindigan kung anong nararamdaman mo, ano yan? kapag inaway si maria ng mga malalanding babe, yayakapin mo lang at sasabihan mong lilipas rin yan? IPAGTANGGOL MO NAMAN! IPAKITA MONG PAG KASAMA KA NIYA, WALANG MAKAKASAKIT SA KANIYA.
lalo lang yan maiiyak sa pinag gagagawa mo e. masama kung masobrahan ka pagmamahal, pero MAS MASAMA KUNG KULANG NA KULANG KA SA PAG MAMAHAL. sabi nga sa commercial, pag walang NANAY... kulang. hindi talaga pwedeng isa lang ang nagaasikaso e, kaya nga gusto mo siya maging kapartner kasi kaya mo makipagteamwork.
I LOVE YOU yan ang pinaka maangas na motivation na kaya mong maibigay sa taong gusto mo, pero kung nahihirapan kang bigkasin yan tatlong napaka ikling salita na yan, wag ka nang umasang may magbabalik sayo ng "i love you too", wag ka na ring umasang may magtyatyagang mahalin ka ngayong hindi mo naman alam kung pano magbalik ng pag mamahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment