Monday, May 28, 2012

ONE WEEK PALANG KAYO, SUSNUDSUNURAN KA NA? ANO TO PBB TEENS??

alam mo yung PBB teens, doon mo talaga malalaman kung anong klaseng henerasyon meron tayo e, infairness hindi talaga ako nanonood nun kasi na kokornihan ako e, pero sa mga kumakalat sa internet at ayon sa mga kwentuhan ng mga pinsan ko, UBOD NG LALANDI ang mga housemates ngayon! MGA HALIPAROT! sarap igisa with bawang at sibuyas.

pero aminin, lumandi rin tayo ng ganyan kalandi, yung tipong wala nang ligaw ligaw, pasimpleng holding hands, yakap onte. parang globe lang! GO LANG NG GO! depende nalang kung amoy anghit ka noon at walang gustong lumapit sayo, o may 7 wonders of the world jan sa mukha mo, may talampas, may bundok, may burol, MALUFET PAG MAY VOLCANO! yung puputok maya maya.

pero kung tutuusin, kung ikukulong kayo sa iisang bahay ng napakatagal na oras, malamang sa malamang mapapalapit talaga ang loob mo sa mga tao doon, lalo na sa taong pinakacomportable kang sabihin ang lahat. di mo rin naman kasi mapipigilan magpaka totoo, ang tagal nyo kaya don! alangan naman magpakaplastik ka buong laro? edi HIGH EXPECTATIONS sila sa iyo dahil ikaw yung pinakamabait doon sa bahay ni kuya, bale bawal ka lumandi sa labas, o maging maharot whatsoever.

______________________________________________________

balita ko may nagsabi daw doon na 9 days na sila and they are going strong, hindi ko alam kung totoo ang chismis or what pero kung sakasakaling totoo nga MAPAPA... HUUUUWWWWAAAAT?? ka talaga e. parang dati lang sinasabi ang term na going strong pag dating ninyo at ng partner mo ng like... 2 or 3 years? o after kasal siguro, pero 9 days? 9 days?? PUTANG INA KALOKOHAN!

maiba lang, alam mo yung feeling na first week nyo palang ng boyfriend o girlfriend mo pero sunudsunuran ka na? yung tipong sabihin lang niyang mag iba ka ng style ng pormahan, gagawin mo agad? ewan ko rin kung bakit ganun e, hindi ba naging kayo nga dahil he/she LIKES THE WAY YOU LOOK? hindi naman naging kayo para baguhin niya pagkatao mo hindi ba? maaring sa ugali pwede pa, pero sa pananamit at itsura? parang below the belt na ata yan. kung tutuusin, yan na ang personal space mo, parang CANVASS lang, diyan mo pwedeng ipinta, o iexpress lahat ng sinasaloob mo.

PERO GANOON PA RIN PAG SINABIHAN SA MGA SUSUNOD NA LINGGO O BUWAN, susunod pa rin ng walang laban. magpagupit ka kaya? gagawin mo agad, try mo magpolo bagay sayo, bibili na yan mamaya. BAKIT NGA BA? heto na ang malalang explanation niyan, sa buhay pag ibig, gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para mapatagal niyo yan, alangan naman kasing parehas kayong matigas ang ulo at ayaw sumunod, sinabihan si girl na wag na uminom ayan! nabuntis ng barkada, sinabihan na si boy na wag na sumali sa frat, AYUN! TEPIS SA KALYE! nasali sa gang war, basag ang mukha. ay wala talagang mangyayari sa relasyon ninyo! NGA NGA ang abot niyo! SAKIT SA BANGS! hindi nagwork-out ang relasyon, tinamad mag punta ng gym.

kahit sabihin mong 70% lang ng pagmamahal mo ang ibibigay mo para hindi ka masaktan ng todo, BIBIGAY AT BIBIGAY ka pa rin. SUSUNOD ka pa rin, dahil nga mahal mo siya at ayaw mo siyang mawala, at nagbabaka sakali ka na maaring mas mapamahal siya sa iyo dahil ginagawa mo ang gusto niya, parang SCHOOL lang rin naman ang relationships e, gawin mo ang tama MATAAS ang grade mo, may chansa ka pa maging 1ST honor, gumawa ka ng mali, mababa na nga grades mo, uurong ka pa ng upuan, doon ka na banda sa row 4, malapit sa basurahan.

yun lang naman ang main point, EFFORT! isang malalang malalang EFFORT nag kailangan mo para gumanda ang takbo ng relationship niyo, diyan rin kayo makakabuo ng trust; sa bawat pag sunod mo napapatunayan na nagmamahalan nga kayo, at nageeffort kayo para mahalin ng more than before.

pero dapat GIVE AND TAKE hindi take lang ng take yung isa, halos magparetoke na just to please the man, magbigayan rin, para hindi one sided ang relasyon at isa lang ang nageeffort, yun ang tunay na nakakasakit. huwag mo naman sanang hayaang itake for granted ka. ikaw rin ang magsisisi sa bandang dulo. minsan kailangan din natin ng understanding at respect sa personal space, halimbawa gusto magsuot ng short dahil mainit, e ayaw ng boyfriend mo, gusto niya nakapantalon ka at varsity jacket para swagger! iparealize mo naman sana sa kanya na HEAT STROKE ang abot mo sa pag sunod sa kanya, sana maging OPEN MINDED naman siya minsan..




No comments:

Post a Comment