e ano ngayon kung mahaba ang title neto? e gusto ko mahaba e, para sagad sagad na, PERO SOBRANG SAKIT TALAGA, ang sakit sakit ng nalaman ko kay pareng KALENDARYONG pasukan na pala next month, kulang na kulang talaga ang summer sa akin, ewan ko kung nakukulangan ako o ayaw ko lang talaga mag aral, kung tutuusin din naman kasi kung hindi necessary ang pag aaral, WALA NANG NAG AARAL NGAYON.
BAKIT BA GUSTO NG KARAMIHAN MAGPASUKAN? yun yung mga batang nalulubog na sa utang e, yung tipong miski pang load wala na, sinabihan na kasing mag TM naka globe pa rin, ayan naubos tuloy ang pera. sabagay, masaya rin naman ang may pasok, nandiyan ang kaibigan, araw araw na pwedeng makipag date kay boyfriend, makakabili ka na rin sa wakas ng milk tea sa gong cha, serenitea, moon leaf o kung ano mang milk tea shop jan at higit sa lahat may baon.
in other case para sa mga gustong maging SUMA CUMLAUDE excited sila pumasok para ipamuka nila yang straight UNO nila sa mga classmate nila. bow thank you..
tuwing naiisip kong may pasok na next month, nandiyan nanaman ang HOMEWORKS, SEATWORKS, PROJECTS, REPORTS, AT HIGIT SA LAHAT EXAMS. lintik na exam yan. diyan lang naman ako lagi nanganganib, lalo na pag napupunta sa amin yung mga professor na ang lakas ng loob magbigay ng sinko, hindi naman nagtuturo ng maayos.
HAAAAY, sana talaga gumraduate na ko, yun lang, wag naman sana sa bandang dulo, e halos maiyak na ko kaka dasal na sana napasok pa ko kasi sobrang hirap magtrabaho...
No comments:
Post a Comment