Saturday, May 19, 2012

SANA YUNG PANA NI KUPIDO SA PUSO KO TUMAMA, WAG NAMAN SANA SA PAA



alam mo mo yung masakit? yun yung kinukwento pa sayo ng taong mahal mo kung gano sila kaclose nung mahal nya, LOVE TRIANGLE LANG TEH? ayy oo. pero ang tanong, mahal kaya siya nung mahal mo? pano kung oo, edi panakip butas ka lang pala? wag naman sana...

_______________________________________________________________

madaming social networks ang nagkalat sa mundo, para mapadali ang konekoneksyon ng tao sa bawat isa, yun nga ang mahirap doon e, sa sobrang dali, sobrang bilis mong makasagap ng chika, SOBRANG BILIS MO RIN MASAKTAN.

MAY GIRLFRIEND NA DAW YAN SI JUAN AH!

OUCH! samantalang kagabi lang magkausap kayo sa "oovoo" yung pang video chat sa internet, ang saya saya niyo kahit muka kayong tanga nagtititigan lang at walang mapagusapan, di mo lubos maisip kung gusto ka lang talaga niya saktan o, GUSTO KA LANG NIYA TALAGA SAKTAN, wala namang ibang choice eh. ano pa bang magagawa mo? kahit halos lahat nalang ng pahiwatig ginawa niya, yung tipong tatawagan ka pa niya sa phone with matching background music na "till they take my heart away ni kyla", nalaglag na panty mo at lahat lahat, sa bandang dulo rin naman pala hindi magiging kayo dahil hindi ka niya trip.

sino ka ba naman kasi para pag sabihan siya? magkaibigan lang naman kayo... YUN NGA E! MAGKAIBIGAN lang. kaya wala kang karapatan magselos, HINDI NAMAN KASI LAHAT NG BAGAY PWEDE MONG ANGKININ.

pero minsan sa dinami dami ng pag papapansin na ginagawa mo, hindi mo talaga alam kung nagtatanga tangahan lang siya na hindi niya alam na mahal mo siya, o sadyang manhid lang si kuya, o baka naman... ayaw niya lang sabihin na hindi ka niya gusto para hindi ka umiyak na parang namatayan. hindi mo rin masasabi...

pero masakit maghintay sa wala, lalo na kapag inaasar ka niya sa iba ngayong alam mo naman na siya lang ang sinisigaw ng puso mo, na siya yung napanaginipan mo kagabi, na siya lang talaga. di mo lubos maisip kung yun na nga ba talaga ang pamamaraan niya nang pagsasabi na "GO AWAY! SHOO!" pero ikaw parin tong asong hahabol habol kasi gustong makipaglaro ng fetch, na alam mo namang pagbalik mo sa kanya, itataboy ka niya ulit, ikaw naman tong si tanga, MAPAGOD KA NAMAN SANA MINSAN....

No comments:

Post a Comment