Sunday, May 20, 2012

ANG LANDI MO NAMAN, SUMMER JOB MO?


Summer na naman! uso na muli sa mga estudyante ang SUMMER JOB, para may pera silang panggala o pang tuition, e sa KALANDIAN ano bang mapapala doon? Wala naman sweldo yun ah? Sabi nga ng mga psychologist “PEOPLE WHO FLIRTS A LOT, LACKS LOVE AND ATTENTION”, yun naman pala, kaya naman pala nagpapapansin, KAILANGAN lang ng pagmamahal.

Hindi naman masama lumandi e, e ano ngayon kung lahat ng kaibigan mo lalake? Hindi naman kalandian ang tawag doon, don ka lang nakahanap ng tunay na kaibigan, hindi porket ayaw mong sumama sa mga babae e gusto mo lang lumandi, maari lamang na gusto mo ka kwentuhan ang mga lalaki dahil mas nagtatagpo ang IDEAS niyo, sumasama lang ito kung ang lalandiin mo e yung may kinakasama na…

“Nine 4 o 5 months palang ata yan sila eh.”

A kaya naman pala, 4 o 5 months palang sila, pwedeng pwede pang SULOTIN. ANSAAAVVVEEEEHH??? Umaasa nalang sa sulot, alam mo naming nagmamahalan yung dalawa doon, magkikiEPAL ka pa. sabihin na natin nauna kang nakilala at naging kaibigan ni juan… GIRLFRIEND KA? GIRLFRIEND KA?? Wag mong ipagpilitan na mas may karapatan ka kay juan, DAHIL UNA SA LAHAT hindi naman ikaw ang niligawan, wag kang pifeeling feeling diyan na mas pipiliin niyang gumala kasama KA kaysa sa date nila ng girlfriend niya.

AYUN TODO EFFORT sa paglandi, panay chat niya sa FB ni JUAN, panay like ng pictures ni JUAN, panay comment ng “ang cute mo naman talaga dito”. BOOM! Kung katabi mo lang yang girlfriend niyan siguro sinaksak ka na niyan.

BAKIT NGA BA MASARAP LANDIIN ANG LALAKING MAY GIRLFRIEND NA? bakit nga ba? Baka naman kasi may sense of achievement, nag pag ikaw ang pinili at hindi yung girlfriend niya, mas maganda ka kaysa doon. GRABE LUNGS! Hindi naman competition ang pag-ibig, hindi naman to BB. PILIPINAS para rumampa rampa sa harap ng isang lalaki para pag pilian kung sino ang mas maganda.

Sa ibang lalaki kasi dagdag pogi points pag pinagaagawan sila ng babae, HUWAG NAMAN NINYONG HAYAAN NA ANG LALAKI ginagawa lang kayong isang matinding option, hindi naman kayo collection ng Barbie na pagpipilian kung sino ang magandang damitan at laruin. HUWAG NAMAN KAYONG PUMAYAG NG GANON.

No comments:

Post a Comment