Saturday, May 19, 2012

EFFORT NGA BA?


minsan talaga sa sobrang dami mong iniintindi sa buhay, nakalimutan mo nang may taong naghihintay sayo, yung laging nagmamahal, YUNG TAONG LAGING UMAASANG MAPANSIN MO, YUNG HINIHILING NA SANA MAKASAMA KA HABANG BUHAY, yung sa sobrang dami mong iniintindi sa buhay, nakalimutan mong may isang taong lagi kang iniintindi, laging nagmamahal, yung taong nagpapapansin sayo, yung taong isa lang ang hiling kung hindi MAKASAMA KA HABANG BUHAY...
________________________________________________________________

pagkatapos kang sabihin sayo ng taong mahal mo na may mahal siyang iba, isa lang ang gusto mo kung hindi makalimot. teka... pano ba niya sinabing may mahal siyang iba?

maria: may mahal ka na ba?

juan: oo



pero meron nga ba? sabagay, mahirap naman magfeeling at mag assume na ikaw ang mahal niya, NAPAKA GENERAL NA SAGOT ANG OO, hindi nya naman sinabing ikaw ang mahal niya bakit kailangan mong dibdibin ng todo at magpost sa FACEBOOK na inlove ka, when in fact hindi ka naman sure. Pano kung yung mahal niya pala ay si maria? si maria na kabiruan niya sa klase nila, hindi si maria na IKAW. edi ang sakit nun pagkatapos mo magfeeling feeling diyan.

pero paano naman kung pagkatapos mo magdrama drama kasi ayaw mo ngang magfeeling at ngayon nakahanap ka na ng iba, e nalaman mong ikaw pala ang mahal niya? kaya pala panay ang suyo niyasayo, at ikaw panay taboy mo sa kanya dahil sa napagusapan mo nung nakaraan. NAKO! MAS MASAKIT YAN! isa lang naman ang dapat mong pagsisihan e, pagsisihan mong hindi mo siya kinausap ng maayos para maliwanagan ka, kung sinabi niyang hindi ikaw ang mariang mahal nya, mag move on ka, kung sinabi niyang ikaw yon, nasa iyo nalang kung maniniwala ka o hindi. para wala kang pagsisisihan di ba?

naniniwala rin naman ako sa love, na lahat ng tao sa mundo may happy ending, nawalang nang malulunkot, wala nang magiisa, na may taong naghihintay sayo. ika nga ng iba ang love ay parang "sulit.com.ph" HANAP. USAP. DEAL.

No comments:

Post a Comment