bagong blog! in TagLish! haha LOL walang makausap, tuliro, tulala, may tanong ka? PSST! PARE TANONG MO SAKIN, AKO SASAGOT! :)) ISANG NAPAKALALANG BLOG tunkol sa buhay college, highschool, trabaho, bahay, pag-ibig o sarili, sabi nga sa TEAM MANILA, ANG BUHAY AY PARANG NOBELA. tara isulat natin.
Sunday, May 20, 2012
ONTING SAKRIPISYO NALANG, LANGIT NA ANG BAGSAK MO
naramdaman mo na bang magpuyat dahil hindi makatulog si crush? yung tipong hindi ka makareply ng "good night na, tutulog na ako" dahil nagbabakasakali ka na ligawan ka niya noong madaling araw na yon? o hinihintay mong lambingin ka nya, yung may kasamang banat na...
juan: maria, china ka ba?
maria: bakit?
juan: baka gusto mo rin akong angkinin?
BOOOOOM!! ayan! diyan ka nadadale eh, tapos pagkatapos niyan, ikaw na ang hindi makatulog sa sobrang kilig mo, halos parang ineepilepsy ka na jan sa kama mo. ang sarap sa feeling no? syempre si crush yon e, malay mo sa pag eeffort mong itext text siya kahit abutin ng madaling araw, bumigay si crush at mahulog sa iyo. AYYYYIEEE! yun lang naman ang hinihintay mo di ba? okay lang na si crush ang makatulog, wag lang ikaw.
________________________________________________________________
pero SA TOTOO? lahat nga ba ganyan? pagkatapos mo magpuyat, kahit alam mong FINALS niyo na sa calculus at wala ka pang narereview makausap lang si crush, AY NAGBUBUNGA NGA BA? sure ka ba na pagkatapos ng bonggang bonggang effort mo magpuyat kasi sunday naman bukas, AY MAPAPAINLOVE SI CRUSH? ang tanong... nakikita nga ba ni crush ang effort mo? na halos mamatay ka na kakainom ng ilang tasa ng kape tumirik lang ang mata mo para mabasa ang kanyang reply, na natuluan mo ng laway ang test paper mo kasi mas masarap matulog kaysa intindihin yung conjugal property na kailangan isolve sa test paper.
malala, MALALANG MALALA talaga kung hindi ka naman pala trip ng crush mo, BASAG ANG PANGARAP MONG MAKASAMA SIYA SA PUERTO GALERA, at higit sa lahat may eyebag ka na, mamamaga pa yang mga mata nang makita mo sa facebook na in a relationship na pala si crush, sabay stalk sa girlfriend ni crush para lang laitin
maria: MAPUTI LANG YAN PUTA! PAG PINAITIM MO YAN MUKA RIN YANG UNGGOY! BWISET!
HANEP! kung makalait kala mo siya ang maladiyosang anyo sa balat ng lupa. e pano kung naapreciate KA naman pala ni crush? HAYIEEEEE! edi ang saya! parang cloud 9! ayun naman pala... ikaw pala ang hinihintay ni crush na makatulog, hindi mo halos maisip na muka na siyang tanga sa simbahan, humihilik habang homily ni father, tapos ang grabe pa doon ang lakas ng loob niya makipagkita sayo ngayong hagardness na ang itsura niya at wala pa siyang tulog, ginagawa lahat ng paraan makita ka lang, ikaw naman tong si kilig OO ka naman, hindi mo man lang patulugin sandali yung tao, baka kasi bumulagta sa EDSA yan dahil sa overfatigue... DAHIL SA OVER OVER na pagmamahal, tama nga naman, love needs sacrifice, pero sana yung tamang sacrifice lang, WAG YUNG SOBRA SOBRA baka sa langit na ang punta niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment