Kung ang mga babae, may “BEST
FRIEND FOREVER”, ang lalake, may “ka-tol” yan, hindi yung katol na pamatay ng
lamok, o yung hinihit hit ng mga tambay sa jan sa kalye, pero yung katropa
nyang dikit, yang bestfriend niyang yan, diyan siya madalas magsabi ng
problema, diyan siya madalas magkwento, diyan siya madalas mangutang ng pera,
at diyan, diyan siya MINSAN, magpalakad sa mga chicks.
MINSAN? BAKIT MINSAN E BEST FRIEND NGA SILA?? Minsan lang, kasi yung mga chikas na gusto ni Juan, masusulot pa ng BEST FRIEND.
MINSAN? BAKIT MINSAN E BEST FRIEND NGA SILA?? Minsan lang, kasi yung mga chikas na gusto ni Juan, masusulot pa ng BEST FRIEND.
Best friend ang tawag sa taong pinakamalapit sayo sa buong
tropa, siya yung lagging nandiyan, shoulder to lean on, yung makakakwentuhan mo
sa lahat ng bagay. Tatlong bagay lang ang pwede mangyari kay bestfriend pag
nagka girlfriend si JUAN…
1. 1. Masaya siya para sayo
Yun yung tipo ng bestfriend na supportado
ka sa lahat, naiintindihan niya pag hindi siya makagala kasama ang tropa dahil
monthsary nila ni girlfriend, naiintindihan niya na hindi ka makausap kasi
muntik na kayo mag break ng chicks mo, yung mga ganung kaibigan.
2. 2. Mas close pa sila ng girlfriend mo kaysa sayo.
Sobrang saya niya para sa sayo at ng
girlfriend mo, halos sa lahat ng galaan sila nalang lagi yung magkausap, ALAM
MO YON? Nakayakap nga sayo, ang kinakausap naman yung bestfriend mo, kulang
nalang ingudngod mo yung pagmumuka nila sa isa’t isa.
juan: PUTANG INA! KAYO NA NGA LANG! SAYO NA! SAYO NA! MGA BWISIT KAYO!
juan: PUTANG INA! KAYO NA NGA LANG! SAYO NA! SAYO NA! MGA BWISIT KAYO!
3. 3. At ang pinakamasaklap sa lahat… SILA NA, NG
GIRLFRIEND MO.
ARAY! BENGGA TO THE MAX! ang chaket chaket!
Kaya pala parehas absent nung nakaraang araw, nasa Victoria court pala yung
dalawa. Wala kang kaalam alam sa lahat. Malalaman mo nalang ang kumakalat na
chismis na ang BESTFRIEND mo at ang GIRLFRIEND mo ay palaging magkadate.
Totoo ba yon? pag nagkaron ka ng chicks
halos crush na ng buong tropa? Yung tipong pag pinakilala mo sa tropa mo halos
lahat sila gusting tirahin yang chikas mo? TOTOO BA YON?? Karamihan OO. Parang boys
over flowers lang ang datingan ah! Taray! Haba ng hair ni ate, pinagnanasahan,
pinapagpantasyahan.
Pero sana naman si ATE, alam kung sinong
una niyang nakilala at minahal, hindi ka naman pokpok na ibinubugaw ni JUAN sa
mga katropa niya para piliin mo kung sino ang pogi, mabait at pwede mong gawing
boyfriend. Tandaan naman sana niya na ipinakilala ka niya sa tropa niya para
malaman ng buong tropa niya na DAPAT KANG RESPETUHIN at hindi dapat pag agaw
agawan, dahil kay JUAN ka lang.
E ANO NAMANG KASO DOON SA BESTFRIEND? Ang bestfriend
hindi karamay sa lahat, hindi porket nagkaron ng girlfriend si juan ay
girlfriend niya na rin yon, sana naman karamay ka lang niya sa advice, HINDI
KARAMAY SA PAGTIRA SA GIRLFRIEND NIYA. Masakit yon, ilagay naman sana ni
bestfriend sa isip niya na ang kay JUAN kay JUAN lang, ang hindi dapat hatiin
huwag na wag hahatiin.
Alam mo yon, si bestfriend na pala at si
girlfriend, pero sila pa rin ni JUAN. Kaya pala tawa ng tawa yung dalawa dun sa
tabi dahil may naalala silang ginawa nila noong wala si juan. GRABETI! Natuwa pa
kayo. KONSENSYA NAMAN sana ang paganahin niyo.
Masaya si bestfriend, MASAYA SIYA KASI
NASULOT niya ang babaeng gusto niya; pero hindi e, HINDI NAMAN TO DAPAT IKASAYA
dapat lang tong ikalungkot dahil nasira na nga ang pagkakaibigan ni bestfriend
at JUAN, nakasira pa ng plano ng dalawang taong dapat magtatayo ng bahay at
bubuo ng isang pamilya.
Ang bawat tao nagkakamali yan, PERO WAG NAMAN
TAYO MAGPADALA SA TUKSO. Pilitin naman nating tumagal ang pagkakaibigan, DAHIL
LANG SA ISANG BABAE magkakapatayan kayo? Respetuhan lang naman kasi yan.
RESPETO NA LANG. wag nang makihati.
No comments:
Post a Comment